Yet another butingting moment…

Malakas ang ulan… tulog na ang mga bata… tulog na si misis… di pa ako inaantok… walang magandang palabas sa TV… Kaya hayun — butingting moment na naman me!

The project? Linisin ang (virus-infested) hard drive ng laptop sa bahay! Ano’ng ginawa ko?

1. Binuksan ang nasabing laptop

2. Hinugot ang akusadong hard drive

3. Ikinabit sa case ng una nang yumaong hard drive…

4. Dinala sa opisina para i-format at kargahan ng bagong programs (nandito ako sa stage na ito as I write this post)

5. Ikakabit muli sa laptop

6. Hope for the best πŸ™‚

Yet another butingting moment…

We butingting everything part 2

With the success of my recent “pagbuhay sa bangkay ng sirang electric fan” still fresh in my mind, naisipan ko biglang butingtingin ang sirang laptop sa bahay.

Pinahiram kasi yun ng Tita ng aking Dear Dawter para merong pag-praktisan ng kanyang computer lessons sa bahay ang huli. Kaso, after a few weeks of heavy paintbrush and plants vs. zombies use (hehehe), bumigay ang pobreng laptop. So, tengga siya ng matagal.

Until last Saturday, that is, nungΒ napag-tripan ko itong ayusin.

Why not, di ba? Naniniwala naman ako sa mga prinsipyong Self-relianceRe-use-Recycle-ReduceIndependencePagtitipid… at sa Motto na “have swiss knife, fix anything.”

So inipon ko ang mga required tools

Binuksang unti-unti ang case ng laptop…

Kinalas isa-isa ang mga lamang-loob nito…

Inispatan ang mga kritikal na parts

Sinurvey ang damage… at muling inassemble.

Ang resulta?

Wala pa din.

DEMMIT!Β Pero, at least, malinis na ang loob niya. πŸ™‚

We butingting everything part 2

Para lang baga consistent.

Ang buhay daw ng tao ay “governed by rules,” ika nga ng isang henyo d’yan sa tabi-tabi.

May mga bagay na naturally meant for each other. Bagay na partner kumbaga.

Bagong shoes need bagong medyas

Bagong pantalon requires bagong shirt

Bagong taon equals bagong buhay…

But the opposite is also true, di ba?

Lumang damit, pares sa lumang sapatos

Lumang classroom, lumang desks

Lumang bisyo, lumang palusot πŸ™‚

OK. OK. Inaamin ko na medyo pilit yung hirit ko dito.

Wala kasi akong maisip na magandang intro for this:

Odevah? Durog na earphones para sa basag na Ipod πŸ™‚

Naniniwala ako sa Re-use, Reduce and Recycle…

Pero nunca sa Retire.

Hangga’t kaya pa… pakinabangan!

Para lang baga consistent.

Ika nga ni Bossing — We butingting everything!

Got a disturbing text message from the missus last night — “beh, gamit namin yung electric fan mo, nag-spark yung kurdon nung samin. Silipin mo na lang pagbalik mo ha?”

Powtek. Mainit pa naman sa bahay… and yes, delikado ang mga appliances na basta-basta na lang nag-iispark.

On the commute home, I was playing over several scenarios in my head. Bakit nga kaya nag-spark ang fan nila?

Nasunog na ba yung motor dahil sa kalumaan?

Natapunan ba ng juice ni Dear Dawter?

Natabig ba ng Nanay Ni Dear Dawter?

Nginatngat ba ng daga yung kurdon?

Haaays… delikado. May phobia pa naman ako sa sunog 😦

Pero buti na lang at pagdating sa mga ganitong bagay ay medyo kampante akong magbutingting.

Basta kumpleto ang tools

Konting gupit… konting kabit

at testing na kalabit

Walang sabit!

At pinakamahalaga… walang gastos. πŸ™‚

Ika nga ni Bossing — We butingting everything!

Di ba kapag FRAGILE, maingat dapat?

Kung hindi ako nagkakamali, ang mga electronic na gamit ay medyo sensitive — sensitive sa init, sa tubig, sa sobrang pagkaka-alog.

Kung hindi rin ako nagkakamali, ang tinaguriang PCOS (Precinct Count Optical Scanner) na siyang gagamitin sa May 10, 2010 Elections ay electronic equipment — ibig sabihin, may circuit board, may memory module at de-kuryente.

Ang tanong ko lang sa COMELEC (at sa kung sino man ang maku-kontrata nilang maghatid ng higit 80,000 PCOS machines sa lahat ng voting clusters/precincts sa buong Pilipinas)…

Mauulit ba ang mga eksenang ito na kuha noong idineliver yung mga voting machines na ginamit noong huling ARMM Elections?

Your Honors (kasama ka dito, kapatid)… What say you?!

Will everything turn out alright in the end?

Or are we looking at the prelude to a “Failed Elections” scenario?

😦

Di ba kapag FRAGILE, maingat dapat?

Ang (sample) Bagong Balota… BOW!

Dimensions: 8.5 by 25 inches (mas mahaba sa 2 long bond paper na pinagdugtong).

Text: size 10 font (medyo mahirap nang basahin)

Bawal tiklupin

Bawal sulatan (maliban sa pag-shade sa mga “bilog na hugis itlog“)…

Bawal lumampas ang pag-shade…

Bawal butasan

Bawal drowingan ng mga puso, stars o smiley faces kapag bored ka na…

Otherwise, ire-REJECT ng reading machine(PCOS – Precinct Count Optical System) ang inyong balota!

Masasayang lang ang Boto ninyo.

Kaya… BAWAL MAGKAMALI!

So…

GAME KA NA BA?!

Tara’t mag-practice muna.

πŸ™‚

Ang (sample) Bagong Balota… BOW!