Kung ako ang Presidente…

… gagawin ko ang lahat na pwede kong gawin bilang Presidente. Pero dahil demokrasya na tayo, magka-iba na ang ibig sabihin ng “Presidente” at “Diktador” ngayon. So dapat, idaan sa ligal ang lahat, tama?

Pero hindi naman masama na gamitin ang ibang paraan na mayroon ang isang Presidente para “mangumbinsi” ng opisyal, di ba? ๐Ÿ™‚

presidential seal

So, kung ako ang Presidente, “kukumbinsihin” ko ang mga Kongresista at Senador na suportahan at ipatupad ang mga sumusunod na priority legislation/policies ko:

  • Government support for all Pinoy Inventors
  • Oil and Gas Exploration sa Benham Rise area
  • Striktong “Truth in Advertising” Law
  • Lalung pagpapa-lakas sa patrol/defensive capabilities ng Air Force at Navy
  • Pagbuo sa isang unified at epektibong Disaster Preparedness and Response Agency
  • More government support for Science Scholars
  • Taxation of all Religious organizations
  • Palakasin ang Cyber-warfare capability ng pamahalaan
  • Pag-demonetize ng 5 at 10-centavo coins
  • Pag-revive sa dating government-operated Buses
  • Pagtayo ng government-operated Passenger/Cargo Ferry Company
  • Pag-unify sa 3 international Airport Terminals into one Airport na lang
  • Pag-construct ng MRT line papasok sa Airport
  • Kumpletuhin ang linya ng PNR mula Matnog, Sorsogon, hanggang Laoag at Tuguegarao at magbuo ng katulad na linya ng tren na iikot sa Mindanao
  • Ibalik ang Death Penalty para sa lahat ng Heinous Crimes, kasama na ang pag-manufacture ng Shabu, Kidnap for Ransom, Plunder, Political Assassination, Statutory Rape, Big-time Scams, Murder, Arson, Big-time Tax Evasion at iba pang mga kahalintuladย na krimen.

Andami pa sanang pwedeng gawin ang isang Presidente para umayos ang kalagayan ng bansa natin pero 6 years lang ang termino niya. Hindi na rin siya pwedeng tumakbo ulit kaya, para matiyak na malaki ang tsansa na ma-sustain ang mga repormang ginawa niya, may isa pa akong gagawin — Ayusin ang sistema ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod na reporma:

  • Ayusin ang Party-list system
  • Ayusin ang Party system
  • Gawing Parliamentary ang sistema ng gubyerno natin kapag malakas na ang Party System.

YUN LANG NAMAN PO. Hehehehe

Kayo? Ano gagawin niyo kung nagkataong kayo ang Presidente ng Pilipinas? ๐Ÿ™‚

 

 

 

 

 

Advertisements
Kung ako ang Presidente…

Old Skool reminiscing…

Paminsan-minsan, nami-miss ko rin yung mga nagdaang panahon… nung panahong medyo bata pa ako… nung nasa eskwela pa (high school days, hindi college)… nung wala pa akong sobrang problema’t responsibilidad sa buhay.

In short, I miss the simpler days.

Days when:

  • I didn’t need to worry about money too much. Tanggap lang ng tanggap ng allowance (kahit bitin) mula sa mga magulang.
  • Not doing one’s assignment didn’t affect anyone else but yourself, thus not eliciting too much drama from classmates. Minsan nga, astig ka pa sa mata ng mga kaklase kapag pumasok ka ng walang dalang assignment.
  • It was way easier to say “NO” to added tasks… to additional work… unless you really wanted to get them.
  • Having your heart broken was a very big thing, something that can’t easily be drunk away (kasi going to class with a hangover will get you expelled), nor explained away (kasi no explanation ever sufficed to ease the hurt).

And finally,

  • It was quite easy to believe older people (read: parents, titos and titas, teachers, sisters and counselors) when they tell you that “you’re going far in life.”

This is me (indicated by the arrow), together with my classmates and Class Supervisor, sometime in 1985, wholly believing we were, indeed, going to go far.

๐Ÿ™‚

Old Skool reminiscing…

The Art of Compromise…sa totoong buhay.

Powtek. Andami ko pang gustong gawin!

Dati akala ko, as i grow older and get to finally do those things i wanted to do when i was younger, mababawasan na yung “to do” list ko. MALI pala.

Kabaliktaran yung nangyari.

In fact, yung “to do list” ko, naging “to do album” na! Hehehe…huhuhu… haaaays ๐Ÿ˜ฆ

Ang masama pa nito, di hamak na mas maraming “impediments” ngayon sa pag-fulfill ko ng lahat ng goals ko sa buhay… well, compared sa mga impediments na kinaharap ko nung bata pa ako.

[NOTE: walang negative meaning yung term na “impediments” dito. Baka may magalit pa. Hehehe. Saka normal lang naman yun, di ba? The older you get, the more “baggages” in life you accumulate. Teka… wala ring negative akong implied sa “baggages” ha? Demmit! Itigil ko na nga itong paggamit ng euphemisms na ganito.]

Mabalik ako sa sinasabi ko… andami ko pa ring gustong gawin! Sana magawa ko na lahat ito bagobago madagdagan ulit yung lista. ๐Ÿ™‚

  • Gusto kong maisama sa byahe abroad ang Pamilya ko. Sina Dear Dawter (DD), BebehBoi (BB) at Nanay Ni Dear Dawter (NNDD). Ako lang kasi ang byahe ng byahe. Unfair, di ba?
  • Gusto kong magkaroon ng Big Bike. Kasi big ako at hindi sa’kin bagay ang scooter. Ang kaso, di ako marunong mag-motor. Pa’no kaya yun?
  • Gusto kong magkaroon ng Bahay na Bato. Yung tipong mga bahay sa Vigan. Pero modern amenities sa loob, shemps. Magkano kaya ang ganun?
  • Gusto kong magkaroon ng VW Kombi Van. Kasi, deep inside, Hippie talaga ako. Kaso, mag-motor nga hindi ako marunong, mag-drive pa?! Demmit.
  • Gusto kong buhayin ang Mountain Bike ko. Eto kaya kong patakbuhin. Hehehe…
  • Gusto kong magkaroon ng Shotgun (hindi AK-47 ha!). Ewan ko ba. Hindi na talaga ako secure sa lipunan natin ngayon. Kaya tuturuan ko din si NNDD kung paano gamitin yung Shotgun.
  • Gusto kong magpapayat (Honga pala… muntik ko nang makalimutan ‘to. Hehehe)
  • Gusto kong i-tour ang Burma. Pero solo muna, mahirap isama ang pamilya sa “iffy” na lugar.

etcetera… etcetera… etcetera… ๐Ÿ™‚

The Art of Compromise…sa totoong buhay.