Dapat may ganitong mga BATAS!

Ayokong pumasok sa pulitika. Sa tingin ko, hindi talaga kakayanin ng powers ko. Baka ma-silaw lang ako sa tukso…

Kaya I’ll just do the next best thing — susuportahan ko yung mga matitinong lingkod-bayan (kahit bibihira lang sila at nababawasan pa madalas — RIP, Sec. Jesse).

Specifically, susuportahan ko yung mga matitinong panukalang batas na alam ko’y makakatulong sa bansang Pilipinas.

Mga batas na tulad nito, halimbawa:

Reproductive Health

Freedom of Information

Anti-Political Dynasty

Anti-Turncoatism (Kontra-Balimbing)

Anti-EPAL

Universal Quality Healthcare Access

Universal Quality Education Access

Universal Social Security

Anti-Contractualization

Renewable Energy

Land Reform

Fisheries Reform

Industrialization

Isang Pulitiko kada Pamilya kada Termino

Responsible Tourism

Political Party Development

Party-list Reform

Tax the Church

Food Security

Anti-GMO

Selective Death Penalty for Heinous Crimes

Support for Inventors

Modernization and Professionalization of Security Forces

Anti-Warlordism

Open Source Programs for Government Offices

Anti-Plagiarism in Government

Calibrated Anti-Piracy

Anti-Junkets

eVehicles Support

Solar Panels to the Barrios

Tobacco and Alcohol “Sin Tax”

Esteros and Rivers Rehabilitation

Anti-Cybercrimes

Legalize Marijuana

City Parks Rehabilitation and Expansion

Community Libraries and Sports Centers

No Parkingan, No Kotse

Cheaper Medicines

Anti-Pornography

Oil Price Deregulation

2 Sakay lang kada 1 Motorsiklo

Decent Wages

Housing for All

Bike Lanes sa buong Pilipinas

Heaven on Earth…

Ano pa?!

Sige lang ng sige!!

Muwahahahahahaha!!!!

🙂

Dapat may ganitong mga BATAS!

Ang pangarap kong Motorsiklo…

Matagal ko nang pina-plano na bumili ng sariling motorsiklo para gamitin sa pangaraw-araw na commute mula bahay hanggang opisina at pabalik. Ang kaso, may ilang mga realidad sa aking buhay na dapat kong i-konsidera bago ako tuluyang bumili:

  • Una, at pinaka-mahalaga marahil… ‘di ako marunong mag-motor. Hehehe (pero kaya namang gawan ng paraan ito. Sabi nga ng mga henyo d’yan sa gilid-gilid, kung marunong kang mag-bisikleta, kakayanin mong mag-motor.) Osyasya… sabi nyo ah?
  • Pangalawa, medyo may kalakihan ang kaha ko kaya di uubra sa akin ang mga mas murang scooter-type na motor. Pero may sagot din dito — bumili ng big bike. Mas magastos nga lang.
  • Pangatlo, mahilig akong umuwi ng naka-inom. OO. Inaamin ko. May problema ako sa pag-inom. Kaya medyo delikado para sa akin ang mag-motor (kahit matuto pa akong mag-motor at gumaling ng todo dito)…

…lalu na’t ang pangaraw-araw kong ruta ay COMMONWEALTH AVENUE!

Wag na ‘oy! Magdi-dyip na lang ako noh!

Pero ang sarap pa rin talagang mangarap.

Haaays…

Ang pangarap kong Motorsiklo…