Nag-aaral akong mag-Poker. Pero paano na kung gan’to?

Seryosong laro ang Poker.

In fact, maraming pinili na gawing career ang paglalaro nito.

May isa nga akong kaibigan — itago na lang natin siya sa pangalang “Alyas Keynobei” — na sumasali sa mga poker tournaments… at mukhang kumikita naman siya (hindi lang talaga mahilig manlibre ng inom. hehehe).

Pero ginusto kong matutunan ang Poker ‘di dahil gusto kong kumita dito. On the contrary, ang habol ko ay yung camaraderie na inaanak ng isang masayang “Poker Night.”

In short… na-iinggit ako sa mga ka-opisina kong marunong mag-Poker. Hehehe

Pero sa isang katulad ko na kahit Pusoy ay hindi marunong, medyo mahirap ang concept ng Poker.

But still, kahit wala kang talent, ang lahat naman ay madadaan sa seryosong pag-aaral.

Ang kaso nga lang… paano magiging seryoso yung pag-aaral ko kung ganito lang ang baraha namin sa bahay?

I’ll call your Dora and raise you a Backpack and a Map!

🙂

Nag-aaral akong mag-Poker. Pero paano na kung gan’to?