Taragis talagang buhay ‘to…

Birthday ng Misis ko nung isang araw. Hindi kami nakapag-handa. Hindi ako naka-bili ng cake. Hindi ako nakabili ng regalo. Pareho kaming wala sa bahay nun. Kasi nasa ospital kami. Na-confine yung panganay namin. Nung una akala Dengue. Nung hindi pala, akala naman Typhoid. Nung hindi pa rin, akala naman Gastroenteritis. Dun tumama sila. Pero hindi rin pala. Kulang. Maliban sa Gastroenteritis, may Tonsilitis din. At ang delikado talaga… Dehydration. Daming Blood Samples na kinuha. Daming iyak. Daming luha. Wawa. Kung pwede lang sana ako na lang ang sinuwero. Ako na lang sumuka. Ako na lang naratay sa kama ng tatlong araw. Ng dalawang gabi. Buti na lang gumaling ka na, anak. Sakto pa sa birthday ng Nanay mo yung pag-uwi natin sa bahay. Parang regalo na din pala, ano? Na-miss mo ba kapatid mo? Kahit ganun yun na-miss ka din nun. Mahal na mahal ka namin ng Nanay mo, anak. Pareho ng pagmamahal namin sa kapatid mo. Walang labis, walang kulang. Huwag na nating ulitin ‘to ha? Pramis? Good. Happy Birthday, Dear!

Taragis talagang buhay ‘to…

Priority sa Liquidity…

Ayon sa mga Henyo diyan sa gilid-gilid… the Human Body daw is made up of almost 80% water (depende sa laki ng katawan… which means sa kaso ko, abot na abot ko yung maximum percentage!) Hehehe.

Pero ang tubig ng katawan ay dapat nire-replenish ng regular… otherwise, dehydration ang aabutin mo — nakamamatay yun, coya.

Kaya maiging i-keep-track ang intake mo ng fluids.

Heto ang sa akin (by order of regularity of intake):

  • Tubig: madalas mineral water, kasi may dispenser sa opisina. tancha ko mga 5 glasses a day. Mas marami kung mainit ang panahon.
  • Kape: tap water na ininit. Sa opisina, mahina na yung 4 mugs a day ng instant coffee. Bihira lang akong tumira ng brewed. Matapang kasi timpla sa opisina. Sa bahay, 2 mugs maximum.
  • Beer: sa tuwing may okasyon, mahina na yung 6 bottles of pale pilsen / red horse. Di ko type ang Light, masakit sa ulo kinabukasan. Ewan ko ba…
  • Softdrinks: bihira lang. Usually Coke o Sprite. Di ko feel Pepsi… masyadong matamis.
  • Brandy: kung may okasyon, kasama ang barkada o mga kaopisina, 1 litrong bote ang naitutumba namin.
  • At iba pa: negligible amounts na ‘to… sa malamig, fruit juices (lata at tetrapak), iba pang alak…

Yun lang.

At least Tubig pa rin ang primary rehydration drink ko, di ba?

Kayo? 🙂

Priority sa Liquidity…