Kung ako ang Presidente…

… gagawin ko ang lahat na pwede kong gawin bilang Presidente. Pero dahil demokrasya na tayo, magka-iba na ang ibig sabihin ng “Presidente” at “Diktador” ngayon. So dapat, idaan sa ligal ang lahat, tama?

Pero hindi naman masama na gamitin ang ibang paraan na mayroon ang isang Presidente para “mangumbinsi” ng opisyal, di ba? 🙂

presidential seal

So, kung ako ang Presidente, “kukumbinsihin” ko ang mga Kongresista at Senador na suportahan at ipatupad ang mga sumusunod na priority legislation/policies ko:

  • Government support for all Pinoy Inventors
  • Oil and Gas Exploration sa Benham Rise area
  • Striktong “Truth in Advertising” Law
  • Lalung pagpapa-lakas sa patrol/defensive capabilities ng Air Force at Navy
  • Pagbuo sa isang unified at epektibong Disaster Preparedness and Response Agency
  • More government support for Science Scholars
  • Taxation of all Religious organizations
  • Palakasin ang Cyber-warfare capability ng pamahalaan
  • Pag-demonetize ng 5 at 10-centavo coins
  • Pag-revive sa dating government-operated Buses
  • Pagtayo ng government-operated Passenger/Cargo Ferry Company
  • Pag-unify sa 3 international Airport Terminals into one Airport na lang
  • Pag-construct ng MRT line papasok sa Airport
  • Kumpletuhin ang linya ng PNR mula Matnog, Sorsogon, hanggang Laoag at Tuguegarao at magbuo ng katulad na linya ng tren na iikot sa Mindanao
  • Ibalik ang Death Penalty para sa lahat ng Heinous Crimes, kasama na ang pag-manufacture ng Shabu, Kidnap for Ransom, Plunder, Political Assassination, Statutory Rape, Big-time Scams, Murder, Arson, Big-time Tax Evasion at iba pang mga kahalintulad na krimen.

Andami pa sanang pwedeng gawin ang isang Presidente para umayos ang kalagayan ng bansa natin pero 6 years lang ang termino niya. Hindi na rin siya pwedeng tumakbo ulit kaya, para matiyak na malaki ang tsansa na ma-sustain ang mga repormang ginawa niya, may isa pa akong gagawin — Ayusin ang sistema ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod na reporma:

  • Ayusin ang Party-list system
  • Ayusin ang Party system
  • Gawing Parliamentary ang sistema ng gubyerno natin kapag malakas na ang Party System.

YUN LANG NAMAN PO. Hehehehe

Kayo? Ano gagawin niyo kung nagkataong kayo ang Presidente ng Pilipinas? 🙂

 

 

 

 

 

Kung ako ang Presidente…

In defense of Balut.

Balut

Di ko lang ma-gets kung bakit ayaw ng ilang Pinoy na tikman ang Balut. Mukha naman siyang masarap, ‘di ba? Sa kulay pa nga lang alam mo na na masustansya talaga siya. At self-contained pa — built-in yung lalagyan ng pagkain! May laman at sabaw ng sabay. Asin at suka na lang ang kulang. Pwedeng kainin as is, gawing ulam, prituhin, adobohin, gawing sisig. Creativity mo na lang ang limit!

Saan ka pa?

At least hindi Bulate, ‘di ba?

uod1

uod2

🙂

In defense of Balut.

“‘Tay, utay-utay… aayusin mo ang bahay.”

Yan palagi ang dialogue ko sa sarili kapag nade-depress ako gawa ng hindi maka-ipon ng sapat na pera para mapa-ayos ang lahat ng mga dapat ayusin sa aming bahay.

Medyo luma na kasi yung bahay namin (circa 70s pa) at hindi na kayang itago ng pintura at ng mga halaman ang mga “signs of old age” nito.

100_6491

Pangarap namin ni Misis na mapa-ayos siya at mapalakihan para maging mas livable para sa mga anak namin.

Ano ang mga dapat ayusin? Heto ang nasa lista ko (ewan lang kung pareho kami ng lista ni Misis):

  • bagong kisame
  • bagong bubong
  • bagong mga tubo
  • bagong wiring
  • bagong gate
  • bagong aso
  • bagong mga pintuan
  • bagong window grills
  • isa pang kwarto
  • bagong kusina
  • isa pang CR
  • bagong linya ng telepono
  • bagong landscaping sa harap
  • bagong vegetable garden sa likod
  • bagong kapitbahay sa kaliwa namin
  • bagong appliances
  • bagong supplier ng tubig
  • bagong garahe
  • bagong pintura…

(hinga ng malalim…Powtek! Konti na lang pala, BAGONG BAHAY  na ang mangyayari. 🙂

“‘Tay, utay-utay… aayusin mo ang bahay.”

Maligayang Pasko pa din!

Hindi na iba sa ating mga Pinoy ang bisitahin ng mga matitinding trahedya sa tuwing panahon ng Kapaskuhan. Kung matatandaan ninyo, Disyembre nang nangyari ang Rizal Day Bombings, ang paglubog ng MV Dona Paz, ang paghagupit ng Bagyong Sendong, ang pag-tama ni Bagyong Pablo, at ito ngang pananalanta ni Bagyong Yolanda.

Mga Paskong naging malungkot para sa milyon-milyong mga kababayan natin.

Pero tuloy pa rin ang Pasko.

Parol Tacloban

Sa ayaw o sa gusto natin/nila, tuloy pa din ang Pasko.

Maligayang Pasko pa din!

Bakit gusto kong tumira sa Pinas (part 2 of 2)

Matapos ang panandaliang pag-e-emo ko nung isang araw (see previous post), nanumbalik na rin ang aking naturalesa — yung pagiging “optimistic, no matter what!

Kaya agad ko ring naisip (habang isa-isang nililista yung mga kadahilan kung bakit ayaw kong tumira sa Pinas) yun mga magagandang bagay tungkol sa Pinas… sa mga Pinoy… at sa buhay dito sa atin; reasons that balance out, or even cancels, the effects of everything that is nega about this beloved country of ours.

Good things like:

Yung nag-uumapaw na balon ng creativity at talent ng mga kababayan natin — sa pag-kanta, sa sports, sa pag-dirihe ng mga pelikula, sa pag-sayaw, sa pag-arte, sa pag-imbento ng mga makabuluhang bagay, sa pagguhit, atbp. World Class talaga!

Yung parami ng paraming bilang ng mga organisasyon na gustong tumulong sa mga kababayan nating naghihikahos, inaapi, o napapabayaan ng gubyerno.

Panalo ang mga tradisyunal nating pagkain — ulam man, pang-himagas, pang-meryenda, street food, o pangaraw-araw na kakanin, busog-lusog-mura-saya talaga!

Mayaman ang lupa natin; kahit saan ka mag-tanim madaling mabubuhay ang halaman.

Maraming bookstores na nagbebenta ng mga 2nd-hand na libro’t magasin.

Buhay na buhay ang ating kultura — maraming mga lengwahe at kaugalian ang ating naririnig at nakikita araw-araw.

Maraming ukayan!

Andaming cool na banda!

Paganda ng paganda ang lahi natin every generation!

Maraming naka-ngiti o nagtatawanan kahit saan ka pa dumako.

Tarsiers! Tamaraws! Monkey-eating Eagles!

Pinaka-mahabang Pasko sa buong mundo!

happyface

Bakit gusto kong tumira sa Pinas (part 2 of 2)

Napoles to me…

… is merely the most recent face of a problem that has been plaguing our country for decades — yung problema ng katiwalian na sobrang gahaman at walang takot.

Sabi ng iba, “Impunity” daw ang tawag dito. Pero masyadong impersonal para sa akin ang salitang ‘yun… sounds like “Immunity” nga eh. Well, bahagi nga rin pala yun ng problema. Pero kulang talaga yung dating nung salita… hindi kayang i-convey yung baho… yung kahayupan… yung kawalanghiyaan… yung kawalan ng puso na involved.

napoles-mugshots

Para sa akin, the more apt description of the problem would be “sobra-sobrang kawalan ng konsiyensya” — i.e., a total lack of conscience among these corrupt officials and kababayans of ours. This sets them apart from those na tinaguriang “corrupt pero may pakinabang naman.”

Don’t get me wrong; I’m not saying na kapag “may pakinabang” ang isang kawatan ay excused na yung mga kalokohan niya. Far from it! They are just as guilty of the crime as the rest and are just as deserving to be punished. Nabanggit ko lang sila to contrapose with the even worse kind of thief.

Siya na kaya ang huli?

Don’t bet on it. Tiyak meron pang mga katulad niya na nasa gilid-gilid lang.

It’s gonna take more than simply abolishing the Pork Barrel to sort out this mess our country’s in.

Kawawang Pilipinas. Totoo nga yung kasabihan na “a country’s main resource are its people.” Pero in our case, mga kababayan din natin mismo yung sumpa. 😦

Napoles to me…

Wagyu? Wagpowzz!

Naiintindihan ko naman kung bakit yung ibang pagkain ay medyo may kamahalan. Baka nga naman mahirap hagilapin… baka rin mahirap alagaan… o mahirap kunin… o mahirap ipunin.

Kaya OKs lang sa akin na mahal ang Truffles, o ang Bird’s Nest Soup, o ang Abalone, o ang Saffron.

Pero ibang usapin na ang Wagyu Beef.

Baka lang yun, ‘di ba? Andami-daming Baka kaya sa mundo. Anong espesyal sa Wagyu Beef?

OK. Sabihin na natin na alagang-alaga sila. May cow-massage pa nga sila eh. And I’m sure espesyal ang kanilang pagkain.

wagyu cow massage

Pero does that justify a US $500 per kilo pricetag?! Aba’y pakshet, mahigit PhP 20,000 per kilo na yun ah! Dalawang-libo ang isang guhit!

Kobe beef is displayed in a restaurant in Ornago near Milan

Tama ba ‘yun?!

Kahit pa rare yung mga pureblood Wagyu Cows, eh di paramihin! Mahirap ba ‘yun?

Kaya ang tancha ko dito ay beyond taste na ang usapan. Kahit napaka-sarap, napaka-lambot, at napaka-malinamnam pa niya, hindi makatarungan na ganito ang presyuhan.

No. Definitely hindi lasa ang basehan ng presyo ng Wagyu.

Ano ang basehan? YABANG.

Pure and simple Yabang. Yung tipong iniisip mo na “kaya ko ‘tong bilhin at kayo hindi. Mamatay kayo d’yan sa inggit.”

The same is true with food na may edible gold sprinkled on top… cellphones na encrusted ng mga dyamante…

Basically lahat ng paboritong bilhin at kainin ng mga Napoles.

Bwiset! 😦

Wagyu? Wagpowzz!

Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

Halos 5 taon na rin akong humintong mag-yosi. As in “cold turkey” talaga.

Yung tipong, isang araw, parang feel kong kaya ko na talaga… that I could already make the plunge… kaya nag-quit agad ako.

So far it has worked.

But I’ve had a little help din naman. May “alternate” nicotine sources ako — No. Not nicotine patches… but Swedish Snus and Burmese Betelnut (Khun).

Sa totoo lang kasi… ayaw ko naman sanang mag-quit mag-yosi. Hindi na lang kasi talaga kaya ng lungs ko yung pag-hitit ng usok (may asthma ako — OO. Smoker na asthmatic ako noon. Stoopid, I Know. Pero kaya nga ‘addiction’ ang smoking eh. It can make you di stoopid things.)

So hanap-hanap din ng substitute sa yosi ‘pag may time.

I even tried that eCigarette thing dati, pero dahil may usok din siya eh ‘di pa din umubra.

Which brings me to the Snus and the Khun options… na OK naman sana except for one tiny-teeny thing… walang regular source ng mga ito sa Pinas! Yung Snus, pag naka-tiyempo ka naman, 300 Pesos ang isang lata!

Powtek.

Kaya I’ve resolved to “Go Traditional” na lang — it’s Pinoy Nganga for me, beybeh!

Heto yung nabili ko sa Isabela. Mura lang. At matindi rin ang tama… depende sa timpla mo ng ingredients.

DSCF0034

At pag naubos na ito, ang balita ko ay makaka-bili din ng Nganga sa mga Manang na nagtitinda ng “pampa-regla” sa paligid ng Quiapo Church. 🙂

Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

While watching PNoy’s SONA last Monday…

… andaming bagay ang dumaan sa isipan ko. Siguro dahil andaming sabay-sabay na nagaganap sa paligid leading to the SONA itself. Napapa-iling na lang tuloy while muttering “magulo. magulo.”

Pa’no ba naman… sinong hindi maguguluhan kung ganito ang mga naiisip mo?

  • Required ba na pumalakpak ang mga kaalyado ng Presidente o kung feel lang nila?
  • Kapag hindi ba nabanggit ang isang isyu sa speech ay wala na itong pag-asang matugunan ng gubyerno?
  • May kategorya bang “over-dressed” for a SONA?
  • Kung papapasukin ba sa Session Hall yung mga lider ng mga grupong nagra-rally sa Commonweatlh ay manggugulo sila o makikinig lang?
  • Bakit mas marami na ang Pulis kaysa mga rallyista?
  • Kung tradisyon na yung pagsusunog ng effigy, bakit hindi maging tradisyon din yung paglilinis  ng sariling kalat pagkatapos ng rally?
  • Mas dramatic kaya kung biglang may spotlight na tututok dun sa tao/opisyal na pinupuri/pinapasaringan ng Pangulo?
  • Bakit parang sintunado yung Choir? Dahil ba sa nerbyos? Dahil kulang ang praktis? O dahil pangit ang sound system/acoustics ng Session Hall?
  • Ilan ang maximum number of guests na pwedeng karay-karay ng isang Kongresista? Mas kaunti ba sa guest allocation ng isang Senador?
  • Magkano inabot yung bill for food and drinks?
  • Bakit yung ibang Pinoy na guests nakasuot din ng mga Translation Headsets? Hindi ba sila marunong managalog?
  • Kung sakaling ma-construct na yung planong MRT/LRT line na babaybay sa Commonwealth Avenue, mahaharang din ba yun ng mga rallyista?

Grabe. Stressful talaga! Kaya nga naiintindihan ko kung bakit bigla na lang naiyak si Mamang Pulis nung SONA. 🙂

SONA crying cop

While watching PNoy’s SONA last Monday…

About our friends, the Thais…

… sa ilang beses kong pagpabalik-balik sa Thailand nitong nakaraang tatlong taon, may ilang generalizations (at observations) akong nabuo. Ewan na lang kung totoo nga ang mga ito… kasi, baka nga, it’s just me.

thai flag

Pero napansin ko lang na…

  • parang kilalang-kilala ng mga lalaking Thai si Bong Revilla… lagi mo kasi silang naririnig na nagsasabi ng “Kap! Kap!
  • nasa kanilang mga kamay ang “da moves” ng mga Thai dancers, babae man o lalaki
  • kakaiba ang nakahiligang bango ng mga Thais at mahahalata mo ito agad paglapag na paglapag mo. Pero makakasanayan mo din naman agad
  • magsing-laki lang ang mga Pinoy at Thai pero di hamak na mas malalaki ang kanilang mga FX Taxi, Bus at bote ng Beer!
  • they are a “very well trained” people… as in madalas silang nagko-commute via trains (BTS Skytrain, halimbawa)
  • pareho tayong umi-idolo sa mga mestiso’t mestisa
  • tawang-tawa sila sa numerong “555,” ang basa kasi nila dito ay “Ha Ha Ha
  • pinapa-tugtog nila ang kanilang National Anthem sa public places (sa Bus Station, halimbawa) at tumatayo talaga ang lahat ng Thai hanggat ito’y matapos

at pinaka-mahalaga sa lahat…

  • ang Bangkok ay parang Maynila lang din. Hindi ko nga lang maintindihan ang Tagalog nila 🙂
About our friends, the Thais…