At umabot na nga sa 15,000+ cases…

Kinabahan talaga ako nung araw na yun, nung lumampas sa 15K yung daily infection cases ng Pilipinas. Buti na lang at hindi na na-break ulit (or hindi pa) yung record na yun, pero naka-set naman ng new record sa bilang ng namatay sa loob ng isang araw — higit 400 katao.

Hindi ito biro. Seryosong krisis ito. Nakasalalay sa maayos na resolusyon ng Covid-19 Pandemic ang hinaharap ng ating bayan. We need competent people at the helm. We need leaders.

I pray we are finally over the hump and are leaving the worst behind us.

Sana talaga. Sana.

At umabot na nga sa 15,000+ cases…

Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula!

Record-breaking na po ang bilang ng ating daily infection rate, mga kapatids. At naitala siya 1 year mula ng nagsimula ang unang lockdowns noong nakaraang taon.

Tumatanda ba tayo ng paurong?!

O may pumalpak ba ng matindi pero ayaw aminin?

Ang masaklap dito, buhay nating lahat ang isinu-sugal nila.

Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula!

“Back to Zero” na naman ba tayo?

Kasi bakit parang bumalik ulit tayo sa “bad old days” nung kalagitnaan ng 2020 kung saan pumapalo ng halos 6000 ang infection cases per day? Kung kelan pa talaga nagsisimulang magsidatingan ang mga bakuna ay tsaka pa lolobo ang infection rate natin? Andami tuloy na katanungan ang nabubuo:

  • too late the hero” na ba ang pagdating ng mga bakuna?
  • masyado bang naging kampante ang mga tao nung bumaba na sa 1000+ cases per day na lang?
  • hindi ba epektibo (o hindi sinunod ng tama) ang mga health protocols nung muling binuksan ang ekonomiya?
  • may mali ba sa mga ipinatupad na polisiya ang national at local governments, pati ang mga special bodies na tumututok sa pandemya?

Medyo nakakasama lang kasi ng loob dahil ingat na ingat ako palagi sa tuwing lalabas ng bahay para pumasok sa trabaho. Ayaw kong mag-uwi ng impeksyon sa bahay.

Pero heto na naman tayo.

Sama-sama ba tayong lulubog, o sama-sama tayong babangon?

“Back to Zero” na naman ba tayo?

Ano ang “new normal” para sa iyo?

Marami ang nagde-debate kung dapat nga bang tawaging “new normal” ang buhay natin ngayon o “new abnormal,” kasi nga hindi pa rin siya gaya ng nakasanayan nating normal dati pero siya na ang bagong katotohanan ng buhay sa ngayon.

Iba-iba ang pananaw natin tungkol dito, pero para sa akin, ang “new normal” ay dapat…

may hangganan din.

Ibig sabihin, lahat ng mga restriksyon sa galaw ng tao ngayon ay maaalis din balang-araw, dahil umabot na ang libre (o abot-kayang) bakuna sa lahat ng Pinoy… at naging epektibo ito… at walang bagong virus na bubulaga sa mundo.

Siya nawa. Insha’Allah. May it be so, Lord.

Ano ang “new normal” para sa iyo?