Mais… Mais… Kaka-inis :-(

Ang hirap palang magpalaki ng Mais sa bakuran. Masyadong maselan! Kapag tag-ulan… nalulunod. Kapag tag-init naman, naba-bansot!

Hindi pala totoo ang tsimis na may “Green Thumb” ako. 😦

100_2398

100_2401

Oh well… lessons learned.

Tiyak aani na ako nang maayos sa susunod na subok! 🙂

Mais… Mais… Kaka-inis :-(

Game of Corns (aka, “The Mais Chronicles”)

Kakaibang tuwa din talaga yung makitang lumalaki, lumalago at namumunga yung tanim mo. Ilang buwan ko nang binabantayan yung experimental “mais plantation” sa bakuran namin at isang “roller-coaster of emotions” talaga ang dinaanan ko:

Excitement nang nakitang umusbong na yung mga butong ibinaon…

Lungkot nang mapansing hindi lahat ng itinanim ay nabuhay…

Galit nang makitang kagatin at baliin ng tutang nagti-trip ang ilang puno ng mais…

Ibayong Ligaya nang makita ang unang “young corn” ng batch!

Ang ganda ni baby, ano? Blondie pa! 🙂

Game of Corns (aka, “The Mais Chronicles”)

4 months na lang, Nilagang Mais na!

Sinubukan lang namin… tutal, sabi ni misis ay may “green thumb” daw ako. Kaya na-challenge ako bigla. From Sili to Alugbati to Kamatis to Kamote to Kalabasa… to the latest tanim sa bakuran: Mais!

So far, positive naman ang kinalabasan — 2 months old na ang batch na ito at nakayanan naman ang mga matinding ulan at hangin na dumaan. Pati ang hagupit ng bago naming tuta ay na-survive din ng mga mais.

In fairness, mukha na silang mais now. ‘Di gaya dati… akala mo sosyal na damo lang. Hayun tuloy, nabunot yung iba sa kanila.

Pero marami naman ang natira. Kaya tuloy ang ligaya!

BACKYARD PLANTING RULES!

🙂

 

4 months na lang, Nilagang Mais na!