Lessons from Yolanda

LessonsLearned

Sino nga ulit yung nagsabi n’un? Na one of the few things good about tragedies daw is that they afford us the opportunity to learn something?

Well, baka nga. Pero napaka-lupit na paraan naman nun to “learn something.” ‘Di ba pwedeng lecture na lang?

Kaya lang, totoo rin na minsan hindi tayo matuto-tuto kahit ilang beses pang idikdik sa utak natin ang isang bagay. And it needs something truly radical to finally and permanently embed the lesson, whatever it may be, in our minds.

I believe Typhoon Yolanda was one such teacher.

Andami kong natutunan when looking back to the events that transpired before, during and after her rampage across the Visayas.

Lessons like:

  • Totoo ang Global Warming/Climate Change and its worsening effect on weather patterns around the world.
  • One can never prepare enough for a Super Typhoon. But good preparation can lessen the hurt that follows.
  • More Super Typhoons are coming. Stronger ones.
  • Government can’t do it alone.
  • One country can’t do it alone.
  • Kahit marami pa ang tumulong sa atin, sa dulo it will only be us left to finish the work.
  • Doing relief work is not a competition.
  • Every little bit counts.
  • The most precious donations are from those who literally have nothing to give but still do.
  • Mas magandang mag-bayanihan kaysa magsisihan.
  • Hindi na sasapat ang basta mag-rebuild. We need to rebuild better!

I learned the lessons. Now to apply them.

Advertisements
Lessons from Yolanda

Tama na muna ang Pulitika! Bayanihan ang kailangan ngayon!

Minsan talaga mahirap isipin kung bakit tila sunod-sunod ang parusang inaabot ng bayang Pilipinas:

  • Gulo sa Pulitika…
  • Mga gahamang tao at pulitiko…
  • Pang-aapi sa mga kababayan natin sa ibang bansa…
  • Tapos yung mga sunod-sunod na bagyo, lindol, pag-baha at mga katulad nitong sakuna. Pati yung tinaguriang “World’s Strongest Storm” ay sa Pilipinas pa talaga unang humampas!

Haiyan from Space

yolandatacloban3

yolandatacloban2

Kawawang Pilipinas.

Naturingan pa naman tayong isang “Kristiyanong Bansa,” isang “Maka-Diyos na Bansa“… pero bakit parang palagi na lang tayong pinaparusahan ng Diyos? 😦

Tama na muna ang Pulitika! Bayanihan ang kailangan ngayon!

Don’t Panic!

Kahit pa andami-daming dahilan para mag-panic ang isang normal na tao… DON’T PANIC pa din.

‘Kets ‘kamo?

Kasi di hamak na mas maraming dahilan not to (panic, that is). We just need to apply a bigger perspective to things. Tandaan, what may be a cause of panic today might actually be a harbinger of good news in the future.

Kaya…

don't panic

… kahit kinukurakot ng mga hayup na trapo’t gahamang kababayan natin ang pera ng taumbayan… nagigising na kasi finally ang mga ordinaryong mamamayan at hinding-hindi na nila (natin!) papayagang maulit muli ang ganitong pandarambong!

… kahit sunod-sunod ang delubyong dumadaan sa Pilipinas… mapipilitan din tayong ayusin finally ang sistema ng ating drainage, housing, land use, forest conservation, atbp. Otherwise mamamatay na talaga tayong lahat.

… kahit palaging inaapi at inaabuso ang mga kababayan nating OFWs ng mga amo nilang Arabo… mauubusan din ng langis ang mga hayup na ‘yun! Maghihirap din sila. Darating ang panahon na mga Arabo naman ang mamamasukan dito sa bansa natin.

… kahit padami pa ng padami ang bilang nating mga Pinoy… Mother Nature will find a way to convince us na mas mainam talaga ang nagpa-plano ng pamilya.

… kahit pamahal ng pamahal ang mga bilihin

Pakshet. Nakaka-panic na pala! 😦

Don’t Panic!