Is it just me, or is it still too cold to blog? :D

I think this is irrefutable proof that I truly am getting old. The ongoing (since last December) cold spell has effectively numbed my mind (not to mention my fingers) thus making even the simple act of blogging quite challenging.

Well, either that or sadyang tinatamad lang akong mag-isip o kumilos kasi… ANG GINAAAAAW! 🙂

Advertisements
Is it just me, or is it still too cold to blog? :D

“Holy Week” ba ‘kamo?

senakulo

Medyo mahirap para sa akin to describe what “Holy Week” means to me now as opposed to what it mean’t to me when I was still young. Andami na kasing mga factors na naghalo-halo para maapektuhan ang appreciation ko dito. Pero if I trace back my life and note-down the relevant events that could have affected how I viewed “Holy Week,” parang ganito ang lumalabas:

Nung bata pa ako (Elementary School age and below):

  • Kabilang sa isang pamilya na “Sarado Katoliko”
  • Nag-aral sa Catholic Schools (una sa Legaspi, then sa Naga, then sa Paranaque)
  • Seryoso lagi ang ‘Holy Week’ — walang palabas sa TV, bawal ang maglaro, bawal ang karne, pinagagalitan kapag maharot o masaya

Nung binata na ako (High School):

  • Napasali sa ilang gawaing pam-Parokya dahil lang sa ‘peer pressure’
  • Napipilitang mag-Nobena’t mag-Rosaryo tuwing Biyernes kasama ang mga istriktong Tiya
  • May ilang mga ka-klase sa Catholic School na medyo pasaway
  • Nagsisimba na lang para makita ang barkada tuwing Linggo

Nung nagpupumilit nang maging mas-independent (College hanggang early working days):

  • Pumasa at pumasok sa UP sa kabila ng babala ng mga Tiya kong takot sa “Komunista”
  • Feeling “baboy na nakawala sa kural” bigla
  • Napalapit sa mga isyung pulitikal at nabarkada sa mga aktibista
  • Nabawasan ang pag-simba hanggang sa tuluyang huminto

Nung may sariling pamilya na (nang ikinasal at nagkaroon ng unang anak):

  • Busy na sa paghahanap-buhay
  • Andami nang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga namumuno dito

Ngayong dalawa na ang anak (at baka madagdagan pa):

  • Mas busy na lalo sa paghahanap-buhay
  • Tunay na naniniwala sa kahalagahan ng Reproductive Health Law
  • Mas lalung dumami ang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga itinuturo nito

So, ano para sa akin ang “Holy Week?”

Ang hirap namang sagutin yung tanong na ‘yun 😐

“Holy Week” ba ‘kamo?

Kung ako ang Presidente…

… gagawin ko ang lahat na pwede kong gawin bilang Presidente. Pero dahil demokrasya na tayo, magka-iba na ang ibig sabihin ng “Presidente” at “Diktador” ngayon. So dapat, idaan sa ligal ang lahat, tama?

Pero hindi naman masama na gamitin ang ibang paraan na mayroon ang isang Presidente para “mangumbinsi” ng opisyal, di ba? 🙂

presidential seal

So, kung ako ang Presidente, “kukumbinsihin” ko ang mga Kongresista at Senador na suportahan at ipatupad ang mga sumusunod na priority legislation/policies ko:

  • Government support for all Pinoy Inventors
  • Oil and Gas Exploration sa Benham Rise area
  • Striktong “Truth in Advertising” Law
  • Lalung pagpapa-lakas sa patrol/defensive capabilities ng Air Force at Navy
  • Pagbuo sa isang unified at epektibong Disaster Preparedness and Response Agency
  • More government support for Science Scholars
  • Taxation of all Religious organizations
  • Palakasin ang Cyber-warfare capability ng pamahalaan
  • Pag-demonetize ng 5 at 10-centavo coins
  • Pag-revive sa dating government-operated Buses
  • Pagtayo ng government-operated Passenger/Cargo Ferry Company
  • Pag-unify sa 3 international Airport Terminals into one Airport na lang
  • Pag-construct ng MRT line papasok sa Airport
  • Kumpletuhin ang linya ng PNR mula Matnog, Sorsogon, hanggang Laoag at Tuguegarao at magbuo ng katulad na linya ng tren na iikot sa Mindanao
  • Ibalik ang Death Penalty para sa lahat ng Heinous Crimes, kasama na ang pag-manufacture ng Shabu, Kidnap for Ransom, Plunder, Political Assassination, Statutory Rape, Big-time Scams, Murder, Arson, Big-time Tax Evasion at iba pang mga kahalintulad na krimen.

Andami pa sanang pwedeng gawin ang isang Presidente para umayos ang kalagayan ng bansa natin pero 6 years lang ang termino niya. Hindi na rin siya pwedeng tumakbo ulit kaya, para matiyak na malaki ang tsansa na ma-sustain ang mga repormang ginawa niya, may isa pa akong gagawin — Ayusin ang sistema ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod na reporma:

  • Ayusin ang Party-list system
  • Ayusin ang Party system
  • Gawing Parliamentary ang sistema ng gubyerno natin kapag malakas na ang Party System.

YUN LANG NAMAN PO. Hehehehe

Kayo? Ano gagawin niyo kung nagkataong kayo ang Presidente ng Pilipinas? 🙂

 

 

 

 

 

Kung ako ang Presidente…

“‘Tay, utay-utay… aayusin mo ang bahay.”

Yan palagi ang dialogue ko sa sarili kapag nade-depress ako gawa ng hindi maka-ipon ng sapat na pera para mapa-ayos ang lahat ng mga dapat ayusin sa aming bahay.

Medyo luma na kasi yung bahay namin (circa 70s pa) at hindi na kayang itago ng pintura at ng mga halaman ang mga “signs of old age” nito.

100_6491

Pangarap namin ni Misis na mapa-ayos siya at mapalakihan para maging mas livable para sa mga anak namin.

Ano ang mga dapat ayusin? Heto ang nasa lista ko (ewan lang kung pareho kami ng lista ni Misis):

  • bagong kisame
  • bagong bubong
  • bagong mga tubo
  • bagong wiring
  • bagong gate
  • bagong aso
  • bagong mga pintuan
  • bagong window grills
  • isa pang kwarto
  • bagong kusina
  • isa pang CR
  • bagong linya ng telepono
  • bagong landscaping sa harap
  • bagong vegetable garden sa likod
  • bagong kapitbahay sa kaliwa namin
  • bagong appliances
  • bagong supplier ng tubig
  • bagong garahe
  • bagong pintura…

(hinga ng malalim…Powtek! Konti na lang pala, BAGONG BAHAY  na ang mangyayari. 🙂

“‘Tay, utay-utay… aayusin mo ang bahay.”

(Mga) Senyales ng Pag-tanda (Ko)

Alam ko naman na tumatanda na ako. Unang-una, hindi ako immortal. Wish ko lang yun. So, Yes, klaro na tumatanda na ako. Crystal, ika nga.

Kahit ano pang pag-deny ang gawin ko ay hindi na talaga uubra, lalo when faced by these indisputable evidences:

  • Lalung lumalabo ang mga mata ko. Since I first started wearing glasses in my 2nd year in HS, nakaka-higit sampung “upgrade” na yata ang grado ng mata ko.
  • Humihina na ang pandinig ko. Lagi na akong nagsasabi ng “Ha? Ano sabi mo?”
  • Madalas nang sumasakit ang mga kasu-kasuan ko. Lalu kung malamig ang panahon… ay sows! Ka-kirot eh.
  • Mahirap nang mag-lose ng timbang. Doble-, baka nga triple-effort na ang kailangan para magpapayat ng konti.
  • Mas nagiging makakalimutin na ako. Birthdays… meetings… assignments… deadlines…
  • Mas madalas na akong nagre-reminisce about the “good old days,” meaning, nung bata pa ako.
  • Andami na ng mga puting buhok ko. Hindi lang sa ulo kundi pati sa balbas.

Pero ang pinaka-malupit na ebidensiya…

Ang mga kababata ko noon… Matatanda na ring lahat!

growing-old n growing-up

Wahahahahahaha!

(Mga) Senyales ng Pag-tanda (Ko)

Solusyon sa mga nababaling Resolusyon?

Maswerte yung tao na kapag gumagawa ng “New Year’s Resolution” ay napangangatawanan ito ng seryoso. Hindi binabali, pinaninindigan, kahit pa mahirap gawin. Kasi nga alam niya na para rin sa kanyang ikabubuti ang paggawa ng mga resolusyon.

new-years-resolution-ideas

Pero kadalasan (and, of course, I may be wrong) hindi nagtatagal at bumabalik din tayo sa “dating gawi.”

Ganun akong klaseng tao kung mag-resolution.

Kasi naman, yung mga napipili kong baguhin ay yung mga alam kong pagkahirap-hirap gawin.

Halimbawa:

  • Mas maging mabait sa kapwa kahit pa hindi siya mabait sa akin.
  • Mas maging pasensiyoso sa mga taong umuubos ng pasensiya ko.
  • Huwag nang iinom ng alak.
  • Bawasan ang kanin.
  • Bawasan ang kain.
  • Mag-exercise ng regular.
  • Ayus-ayusin ang pananamit.
  • Huwag nang mag-yosi.

Marami pang ibang resolusyon (na hindi ko na maalala sa sobrang daming New Years na nagdaan) ang ginawa ko pero, awa ng diyos, isa pa lang ang natutupad — 5 years na akong hindi naninigarilyo.

Lubhang mababa ang “batting average” ko kung tutuusin. Wala pa yata sa 5%.

Kaya ngayong 2014, alam ko na ang solusyon — Simplehan ang mga Resolution! Paisa-isa na lang.

My 2014 New Year’s Resolution?

Huwag nang mag-softdrinks!

Resolution Status: 7 days and counting… 🙂

Solusyon sa mga nababaling Resolusyon?

30 minutes before 2014…

… and I’m still inside the house. No fireworks for me — I’ve sworn them off years ago when my Asthma got too sensitive to the smoke. Pero OK lang. I still find the explosions very agreeable; unlike my youngest son who still hasn’t discovered the joy of noise — past his bedtime na daw kasi. Hehehe.

My daughter, on the other hand, seems not just to have inherited my intellect (eherm), but my Asthma as well. Kaya andito rin siya sa loob ng bahay kagaya ng Tatay niya, nagto-torototkumakain… naghahandang tumalon at the stroke of midnight.

15 minutes to midnight. Mas lumalakas at dumadalas na ang fireworks sa labas… pero still not as loud and as long as last year. Bakit kaya? Is it because of economic reasons, or is the DOH finally making headway at convincing the public that fireworks bring more bad than good?

Ewan. Your guess is as good as mine.

10 minutes to go. Getting really loud outside! Pati yung volume ng usap namin sa loob ng bahay ay halos sigawan na (but in a good way).

5 minutes to go!

I wonder what 2014 has in store for all of us?

2014

30 minutes before 2014…