My “selective” love affair with Books

I love books.

Hindi ako adik sa books, pero I love them. Lalu na kung interesting yung topic/tema, hardbound, with pictures and images, at… pinaka-mahalaga, na-iintindihan ko.

Because, let’s face it, there are lots of books out there that people don’t, can’t, or won’t understand. So I’m positive I’m not just speaking for myself when it comes to that last statement. 🙂

But back to books…

Nagsimula yata ang love ko sa books kasi mahilig akong ibili ng picture books ng Ermats ko. Every Sunday, after Mass, tiyak may bagong libro akong makukuha sa kanya.

Medyo mahilig din sa libro ang Erpats ko kasi, I remember clearly, may 2 sets kami ng encyclopedia sa bahay noon — Groliers at Colliers Encyclopedia. Mas gusto ko yung Colliers kasi mas maraming colored pictures yung loob. Later on, nakahiligan ko rin yung pagbili ng Funny Comics.

Elementary School pa lang ay tambay na ako ng Library. Lagi kong inaabangan yung latest copies ng Newsweek, National Geographic, at iba pang mga katulad na magazines. Sa bahay naman ay excited ako sa pag-uwi ng Erpats ko galing opisina kasi bitbit niya yung dyaryo nila at yung latest book na nahiram niya sa office library.

High School naman nang una akong nagbasa ng Tolkien at Asimov.

Nung College, medyo namayagpag yung mga textbooks sa buhay ko pero out of necessity lang… walang Love involved. Hehehe.

Nung nagta-trabaho na ako at kumikita na ng sariling pera, umarangkada na yung passion ko for books. Kaya ko na kasing bilhin yung mga librong gusto kong talagang basahin.

Fast-forward to today.

bookcase02

Nangangarap akong maisa-ayos ang aking munting “Library” sa bahay… medyo magulo kasi. Walang logic. Magkakaiba yung pagkaka-salansan at halo-halo yung magkakaibang topic. Nasasamahan pa ng mga stuffed toys at iba-ibang abubot.

Meron akong 3 Book Cabinets so far pero mukhang I need to have at least 2 more para maisaayos ko ng matino yung aking book collection.

bookcase01

Again, hindi ako book addict. Pinipili ko yung librong bibilhin ko. In fact, mahilig ang mag-dispatsa ng mga librong hindi ko masyadong type. Of course, pag bigay o libre yung libro, tatanggapin ko. Hehehehe. Pero kung gagastusan ko, may strict criteria akong sinusundan:

  • 2nd-hand dapat (with very few exceptions)
  • Hardbound (as much as possible. Mas matagal kasi ang buhay)
  • Falls under the following topics: History, War, Military, Science Fiction, Fantasy, Biography

Ok lang din ang Novels, Comics at magazines basta pasok sa mga nasabing topics.

Sana… mamana sakin ng mga anak ko ang pagka-mahilig magbasa. 🙂

Advertisements
My “selective” love affair with Books

Recommended read of the month: “the man who invented fidel”

Siguro sobrang hilig ko lang talagang magbasa ng mga librong tungkol sa historical personalities kaya natuwa ako sa partikular na librong ito… pero kakaiba talaga ang pagkaka-sulat sa kanya — point of view ng isang writer tungkol sa isa pang writer na nagsulat tungkol sa scoop-interview niya kay Fidel Castro.

At andaming chismis involved ha! Para bang si Ambeth Ocampo kapag nagsusulat tungkol kay Jose Rizal! 🙂

Mapapa-isip ka talaga. Ang if you’re a Fidel fan like me, aabot ka sa punto na ku-kwestiyunin mo yung mga (tingin mo ay) “alam mo” tungkol sa kanya, pati na rin yung mga sinabi (at patuloy na sinasabi) ng iba about him.

Was Fidel a real hero? Maybe.

Was he the only “hero” during those revolutionary times in Batista’s Cuba? Apparently not, if one is to believe the author.

Was he really a communist when he started out? Probably not.

Is he worth celebrating today? It’s up to you to decide.

Ako? Sa tingin ko… there are some things about him that are worth emulating. There were some things he did that are worth celebrating. And there are also some things that he did that need condemning.

But taken as a whole, Fidel Castro is definitely someone worth learning from.

So, if you’re into this kind of thing… BUY THE BOOK! (meron naman siguro sa mga 2nd-hand bookstores d’yan sa tabi-tabi).

In all honesty, this is the first book that I read from cover to cover! Literally! As in pati yung indexes at footnotes niya ay puno ng interesting tidbits. Maging yung blurbs sa outer back cover ay intriguing talaga.

And the best part is… hindi akin itong libro. Nakita ko lang siyang pakalat-kalat sa opisina namin 🙂

100_3091

Recommended read of the month: “the man who invented fidel”

Unang Pangako for 2012 — kukumpletuhin ko ‘tong koleksiyon ko!

ADIK talaga ako for all (hardbound) books related to J.R.R. Tolkien — yung mga librong siya mismo ang nagsulat; yung mga librong anak niyang si Christopher ang nagsulat o nag-edit; pati na yung mga libro na iba ang awtor basta lang may kinalaman sa buhay at gawa ni pareng J. R. R.

Dati, madali lang i-satisfy yung kaadikan ko — marami kasing librong available sa 2nd-hand bookstores. At kahit kadalasan ay mga paperback sila, may naliligaw paminsan-minsan na mga hardbound versions. Average price? Mga 200 Pesos.

Kaya lang, nung lumabas yung LOTR Film Trilogy ni Kuya Peter Jackson, biglang nawala ang mga linsyak na 2nd-hand Tolkien books! Hinoard yata ng mga ungas. At kung may sumulpot man ay either napaka-mahal na (compared sa dating presyo — shempre mas mahal pa din di-hamak yung brand new), or pangit yung quality dahil nabasa ng tubig-ulan, maraming mantsa, punit-punit…

Kaya minsan napipilitan tuloy akong bumili ng bago. Pinaka-mahal na Tolkien na nabili ko? Leather-bound na The Hobbit: 2,500 Pesos!

Powtek.

Pero OK lang. ADIK nga eh. Hehehehe. Saka wala pa akong mga anak nung panahong yun (otherwise kinalbo na ako ni Misis).

Pero kulang-kulang pa din talaga ang koleksyon ko. Halimbawa, sa LOTR Trilogy, ang meron lang ako ay yung Book 2: The Two Towers. Wala ako nung Book 1 at Book 3! Hnlabo, di ba?

Pero hindi bale. All good things come to those who wait, right? Siguro naman ngayong 2012, mabubuo ko na rin ang aking koleksyon! Muwahahahahahahaha!!!! 🙂

Kung may makita kayo timbrehan n’yo ako ha?

Unang Pangako for 2012 — kukumpletuhin ko ‘tong koleksiyon ko!