Sure Signs na PEKE ang isang Party-list!

Parami ng parami ang bilang ng mga Party-lists na medyo kaduda-duda ang dating.

Paano ba naman, dahil ginawang napakadali ng COMELEC para sa isang grupo na magpa-accredit bilang isang party-list, nag-uunahan tuloy ang mga peke, fly-by-night at pakawalang party-lists na makapasok sa Kongreso.

Pero don’t panic! May paraan naman para hindi tayo malusutan ng mga ganitong klaseng party-list.

We just need to know the indicators.

Kaya para makatulong, heto ang ilang SURE SIGNS na magpapatunay na, malamang sa hindi, PEKE nga ang isang party-list:

  • Nakikipag-agawan sa mga pangalang may numerong “1” o may maraming letrang “A” sa unahan — para mauna sa listahan (at sa balota, shempre). Halimbawa, 1-Ulam o AAA-Powtek
  • Sa tuwing elections lang nagkakaroon ng Office Address / Telepono / Fax / Email / empleyado. Kapag walang eleksyon, bahay ng nominee ang opisina.
  • Malayong-malayo sa sektor na kinakatawan ang mga nominees na pinipili — Halimbawa, Hipag ng Presidente ang naging kinatawan ng mga magbabalut!
  • Tumatabo ng pagkarami-raming boto sa mga di-inaasahang lugarHalimbawa, noong 2004, isang “Farmers Party” sa Visayas ang naging top-notcher sa Basilan! Hanep!
  • Naspecial-mention ito sa “Garci Tapes” na kasama sa mga party-list na “…inaayos para manalo.”
  • Pumipili ito ng pangalan na sounds-like (o halos kapareho na) sa pangalan ng kilalang party-list. Halimbawa, Kabayad, Anak Bayot, Akbwisit.
  • Gaya-gaya sa design ng campaign materials (kulay, fonts, size ng texts…)
  • Sapilitan palagi ang paglabas sa kanilang official Nominees List. Palibhasa ikinahihiya nila ang mga nakabili sa kanilang nominasyon.

Hindi ibig sabihin na kapag taglay ng party-list mo ang isang katangian sa listang ito ay PEKE na ito. Pero kung tatlong katangian na ang totoo… ay nako. tigilan nyo na yan ay BISTADO na kayo noh!

😦

Advertisements
Sure Signs na PEKE ang isang Party-list!