Judging by the contents of his (her?) Tag Cloud, this Blogger must lead an interestingly “hazy” life.
Me like!
Painom ka naman, kapatid! π
Judging by the contents of his (her?) Tag Cloud, this Blogger must lead an interestingly “hazy” life.
Me like!
Painom ka naman, kapatid! π
Balak?
Yan daw ang kilalang kasabihan tungkol sa alak — i.e., na “kapag may alak… may balak.” Pero paano kung walang alak? Ano ang epekto?
Tancha ko ay magkakaiba ang epekto ng kawalan ng alak sa tao. Depende marahil yun sa nakukuha niya sa pag-inom ng alak in the first place.
More than a month na akong hindi umiinom (bilang pag-talima na rin sa payo ng aking duktor… well, sa aking kaibigan na feeling duktor) at napapansin ko na ang mga magaganda at masasamang epekto nito sa akin at sa buhay-buhay:
I. Pros ng hindi pag-inom:
II. Cons ng hindi pag-inom:
Hmmm… parang lugi yata ako dun ah.
Ay sya! Maka-inom na nga ulit! π
Ayon sa mga Henyo diyan sa gilid-gilid… the Human Body daw is made up of almost 80% water (depende sa laki ng katawan… which means sa kaso ko, abot na abot ko yung maximum percentage!)Β Hehehe.
Pero ang tubig ng katawan ay dapat nire-replenish ng regular… otherwise, dehydration ang aabutin mo — nakamamatay yun, coya.
Kaya maiging i-keep-track ang intake mo ng fluids.
Heto ang sa akin (by order of regularity of intake):
Yun lang.
At least Tubig pa rin ang primary rehydration drink ko, di ba?
Kayo? π
Alam ko namang dina-dramahan lang ako ni Dear Dawter nung isang araw nang, out of the blue, humirit sya ng “Daddy, tigilan mo na ang pag-inom. Bad yan. Matanda ka na.“
Yun o! Parang planted lang ah… ganyan din kasi ang mantra ni Misis π
Pero, seriously. Tama nga naman sila. One can’t live the college-activist-drifter-emo life forever. One has (to some extent) to act one’s age. Or at least act commensurate to one’s current reality.
In my case, reality means married with kids.
So, YES, anak. Tatalima na ako sa atas ninyong Mag-iina (isama na rin natin sa BebehBoi sa bilang kasi, kahit sanggol pa yun, tiyak agree naman siya sa inyong dalawa ni Mama).
Mula sa araw na ito, I promise to rein-in my binge-drinking tendencies. Dapat lang maka-develop ako ng isang realistic strategy para dito.
… hindi kasi umuubra yung “cold turkey” approach (done that, been drunk)
… hindi rin umubra yung “no Red Horse” policy (masharaap kasi eh. hik!)
… at lalong palpak yung “Red Wine only” tactic (mahal na, pangit pa lasa).
Hmmm… Pa’no kaya ‘to?
Any suggestions, mga kapatid?
Shempre, pag sinabing “Study Tour“, may mga bagay-bagay na pag-aaralan… mga konseptong pagmumuni-munian… mga kalakarang kikilatisin.
At marami naman talagang mga makabuluhang kaalaman kaming natutunan.
But all that belongs to the official travel report. Obviously, hindi dito yun.
Dito, ang mahalaga, yung MASAYA!
Walang duda, hindi lang sa Vodka mayaman ang Sweden. Maging ang kanilang mga Beer ay patok na patok sa bahay-alak ng mga tomador na Pinoy! π
So, alin ang aking “el paborito“?
MARIESTADS, beybeh π
Me drinking cold beer in a room that’s even colder than the beer π
Like Father, like Son daw?
For this particular trait, ‘wag naman sana.
Parang malakas din kasing kumapit sa bote si dayunyor eh. Hehehe.
π
Maraming nagsasabi na Kasalanan daw ang Pag-inom… na kina-kasangkapan daw ito ng Diyablo upang mabingwit ang mga kaluluwa ng tao.
Pero sobrang coincidence naman nito, kung sakali.
π