Chesa. Tieza. Cheza. Ah basta yung mapakla!

Parang mali yung timing ng pag-trim namin sa Puno ng Chesa sa aming bakuran. Summer kasi… baka mahirapan yung puno na maka-recover.

Pero walang choice — sumasayad na yung mga sanga niya sa mga kawad ng kuryente… tapos huma-hampas siya lagi sa bubong namin… at pinaka-mahirap sa lahat… nadudumihan lagi yung bakuran ng kapit-bahay. Hehehehe.

So tabas ang inabot niya.

100_3579

Actually, na-inspire kami sa pagtabas kaya nadamay din yung aming Mangga (pero that’s another story). Buti na lang kamo at likas na survivor ang puno ng Chesa… mabilis magpakawala ng mga bagong sanga (ilang araw lang ang pagitan ng 2 fotos na ito).

100_3616

So, kampante akong hindi siya mati-tigok. Yun lang, matagal ulit bago siya mamunga. Sayang… ang ganda pa namang tingnan ang mga hinog na Chesa.

100_3581

Oh well. Ganyan talaga ang buhey 🙂

Chesa. Tieza. Cheza. Ah basta yung mapakla!

Green Patches in a brown bakuran :-)

Tuwang-tuwa talaga ako sa tuwing nagpapalit ng dahon ‘tong punong ito na nasa bakuran namin. Kakaiba kasi yung pagka-berde niya… halos neon-green kapag sakto yung sikat ng araw.

Pero bitin pa din ako. Kumpara kasi sa harap ng bahay namin, medyo desolate yung aming likuran… konti ang berdebilang na bilang ang puno… dominante ang kulay Brown.

Ang solusyon? Paramihin ang berde sa buhay!

Konting putol… konting babad… konting hukay… BUHAY!

Tara! Let’s plant a tree today! 🙂

Green Patches in a brown bakuran :-)