Alam ko’ng iniisip ng anak ko.

Alam ko na laging may iniisip itong anak kong si BBB (Bagong Beybi Boy).

1 1/2 months pa lang siya sa mundong ibabaw pero mukhang marami na siyang isyu sa buhay.

Sa katunayan… sa tuwing nagkakatagpo ang aming mga mata ay tila pilit niyang itinatanong sa akin:

“Daddy, bakit laging maalat ang balat mo? Dugong ka ba?”

Haays… pareho kayo ng sense of humor ng Nanay mo.

🙂

Advertisements
Alam ko’ng iniisip ng anak ko.

Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?

Gan’to kasi yun. Si Dear Dawter (DD) may dalawang tuta — si Doggirl, na isang stuffed toy (na hindi pa din bayad), at si Fita, na isang true-blue tuting (maliit na tuta).

Ang problema, parang maliit ang mundo namin para magsabay ang dalawang tutang ito. Well… maliit pala ang bahay namin.

So one of them has to go!

Walang magagawa, prinsipyo lang. Ganyan talaga ang buhey.

Pero sino sa dalawa ang idi-dispatsa ni Taroogs?!

Aber, ikumpara ko nga ang pros and cons ng bawat isa.

  • Si Doggirl, pag pinagti-tripan ni DD, cool lang. (keri lang niyang damitan, meykapan at kodakan)

  • Si Fita, pag pinagti-tripan ni Taroogs, pikon! (ginagantihan ang tsinelas ko ng powtek)

  • Si Doggirl, mahilig tumabi kay DD sa kama.

  • Si Fita, ayaw tumabi kay Taroogs (mas feel niya ang matulog ng solo).

  • Si Doggirl, we see eye to eye on many things.

  • Samantalang si Fita, madalas mandedma.

  • Finally, si Doggirl, maaasahang magbantay kay Bagong Bebe (BB).

  • Samantalang si Fita… ASA PA SIYANG PALALAPITIN KO SIYA kay BB!

Goodbye Fita.

Evicted ka na sa Bahay ni Taroogs.

Nawa’y maging masaya ka sa bago mong Amo.

😦

Wag ka nang magreklamo, Fita… sabit ka talaga e. Lakas mong mag-wiwi’t pupu kung saan-saan. Nagkakalat ka ng garapata. Nagka-allergy pa si DD sa kakayapos sa’yo.

(Pag nasa kat’wiran… ipaglaban!)

Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?

Introducing the pinaka-bagong ilong :-)

Grabe. Has it been that long?!

Nakalimutan ko na totally yung ultra-mega-antok feeling na nararamdaman ng isang magulang kapag nag-aalaga ng bagong silang na bebe.

After almost six years — heto na namaaan! (ala-Gary V ang birit)

Introducing… the newest ilong in da pamily!

Magkakamukha kami, di ba?

Pwede na yata kami magbuo ng sariling party-list — ang 1-ILONG!

🙂

Introducing the pinaka-bagong ilong :-)