What’s wrong with me? What’s wrong with you?!

Pero ang tamang tanong siguro ay, “meron ba talaga tayong diperensiya?” O baka naman masyado lang tayong nagpapa-apekto sa sinasabi ng iba tungkol sa atin?

Dami kasing pumupuna lately sa ating mga Pinoy. Mababasa mo sa mga online posts ng kung sinu-sinong Herodes na nagkaroon lang ng facebook account ay akala mo kung sinong sikat na international online komentarista bigla.

At puro panlalait ng ibang tao pa ang napiling genre ng mga powtek!

Of course, dinamay na naman tayong mga Pinoy ng mga haters na ito.

anti pinoy

Halimbawa, nabalitaan niyo din ba yung mga banat na kesyo ang mga Pinoy daw ay:

  • Lahing alipin.
  • Di mapapagkatiwalaan.
  • Lahing kawatan.
  • Mandaraya.
  • Mayabang.
  • Basagulero.
  • Lasenggo.
  • Mabaho.
  • Adik.
  • etcetera… etcetera… etcetera…

Kaka-asar ano?! Akala mo kung sinong mga perpektong nilalang itong mga mokong na haters na ‘to.

Mga bwiset. May araw din kayo. 😦

Advertisements
What’s wrong with me? What’s wrong with you?!