Inggit ako sa buhay ng Blogger na to :-)

Judging by the contents of his (her?) Tag Cloud, this Blogger must lead an interestingly “hazy” life.

Me like!

Painom ka naman, kapatid! πŸ™‚

Alcohol Tag Cloud

Advertisements
Inggit ako sa buhay ng Blogger na to :-)

‘Pag walang alak, walang…

Balak?

Yan daw ang kilalang kasabihan tungkol sa alak — i.e., na “kapag may alak… may balak.” Pero paano kung walang alak? Ano ang epekto?

no-alcohol

Tancha ko ay magkakaiba ang epekto ng kawalan ng alak sa tao. Depende marahil yun sa nakukuha niya sa pag-inom ng alak in the first place.

More than a month na akong hindi umiinom (bilang pag-talima na rin sa payo ng aking duktor… well, sa aking kaibigan na feeling duktor) at napapansin ko na ang mga magaganda at masasamang epekto nito sa akin at sa buhay-buhay:

I. Pros ng hindi pag-inom:

  • Nabawasan ang pag-atakeΒ ng Hika.
  • Nabawasan ang gastos.
  • Nabawasan ang pag-uwi ng madaling-araw.
  • Nabawasan ang pagiging late sa pagpasok.
  • Nabawasan ang atake ng Rayuma.
  • Nabawasan ang pagka-bwisit sa akin ni Misis.

II. Cons ng hindi pag-inom:

  • Nabawasan ang mga kaibigan (na kainuman. Friends pa din kami, shempre).
  • Nabawasan ang inspirasyong mag-blog.

Hmmm… parang lugi yata ako dun ah.

Ay sya! Maka-inom na nga ulit! πŸ™‚

‘Pag walang alak, walang…

Yun lang yun? Eh bakit pagkamahal-mahal n’ya?

Believe it or not, sa ilang-dekadang pag-iinom ko, now ko pa lang natikman itong “Blue Label” na tinatawag. Akalain mo, naturingan na “40-something” na tomador tapos hindi pa natitikman ang Blue Label!

Kaya naman kakaibang excitement ang naramdaman ko nang makitang may inilatag na kakaibang karton sa umpukan namin kagabi. When it was confirmed na Blue Label nga ang laman nung kahon, I was literally salivating as I imagined the exquisite taste that has to come with every sip of this very expensive premium whisky!

I decided to drink it straight. No ice. No nothing to mess with the “real” taste of Blue Label.

Kaya lang… nung natikman ko na… all I could think of was “ay, matapang pala siya.”

The experience was very underwhelming to say the least.

Pero parang kasalanan ko rin eh. Sobra kong inanticipate yung masarap na lasa ng Blue Label that when the actual tasting happened, I had too high expectations pala.

Sorry, Blue Label, ‘di na po mauulit… ang pag-inom ko sayo. Masyado kang mahal for what is, to me, actually just an ordinary drink (apologies for the Blue Label fanatics out there).

😦

Yun lang yun? Eh bakit pagkamahal-mahal n’ya?

Priority sa Liquidity…

Ayon sa mga Henyo diyan sa gilid-gilid… the Human Body daw is made up of almost 80% water (depende sa laki ng katawan… which means sa kaso ko, abot na abot ko yung maximum percentage!)Β Hehehe.

Pero ang tubig ng katawan ay dapat nire-replenish ng regular… otherwise, dehydration ang aabutin mo — nakamamatay yun, coya.

Kaya maiging i-keep-track ang intake mo ng fluids.

Heto ang sa akin (by order of regularity of intake):

  • Tubig: madalas mineral water, kasi may dispenser sa opisina. tancha ko mga 5 glasses a day. Mas marami kung mainit ang panahon.
  • Kape: tap water na ininit. Sa opisina, mahina na yung 4 mugs a day ng instant coffee. Bihira lang akong tumira ng brewed. Matapang kasi timpla sa opisina. Sa bahay, 2 mugs maximum.
  • Beer: sa tuwing may okasyon, mahina na yung 6 bottles of pale pilsen / red horse. Di ko type ang Light, masakit sa ulo kinabukasan. Ewan ko ba…
  • Softdrinks: bihira lang. Usually Coke o Sprite. Di ko feel Pepsi… masyadong matamis.
  • Brandy: kung may okasyon, kasama ang barkada o mga kaopisina, 1 litrong bote ang naitutumba namin.
  • At iba pa: negligible amounts na ‘to… sa malamig, fruit juices (lata at tetrapak), iba pang alak…

Yun lang.

At least Tubig pa rin ang primary rehydration drink ko, di ba?

Kayo? πŸ™‚

Priority sa Liquidity…

Dapat nang mag-seryoso… tumatanda na (daw) ako :-|

Alam ko namang dina-dramahan lang ako ni Dear Dawter nung isang araw nang, out of the blue, humirit sya ng Daddy, tigilan mo na ang pag-inom. Bad yan. Matanda ka na.

Yun o! Parang planted lang ah… ganyan din kasi ang mantra ni Misis πŸ™‚

Pero, seriously. Tama nga naman sila. One can’t live the college-activist-drifter-emo life forever. One has (to some extent) to act one’s age. Or at least act commensurate to one’s current reality.

In my case, reality means married with kids.

So, YES, anak. Tatalima na ako sa atas ninyong Mag-iina (isama na rin natin sa BebehBoi sa bilang kasi, kahit sanggol pa yun, tiyak agree naman siya sa inyong dalawa ni Mama).

Mula sa araw na ito, I promise to rein-in my binge-drinking tendencies. Dapat lang maka-develop ako ng isang realistic strategy para dito.

… hindi kasi umuubra yung “cold turkey” approach (done that, been drunk)

… hindi rin umubra yung “no Red Horse” policy (masharaap kasi eh. hik!)

… at lalong palpak yung “Red Wine only” tactic (mahal na, pangit pa lasa).

Hmmm… Pa’no kaya ‘to?

Any suggestions, mga kapatid?

Dapat nang mag-seryoso… tumatanda na (daw) ako :-|

The Spirit(s) of Sweden

Shempre, pag sinabing “Study Tour“, may mga bagay-bagay na pag-aaralan… mga konseptong pagmumuni-munian… mga kalakarang kikilatisin.

At marami naman talagang mga makabuluhang kaalaman kaming natutunan.

But all that belongs to the official travel report. Obviously, hindi dito yun.

Dito, ang mahalaga, yung MASAYA!

Walang duda, hindi lang sa Vodka mayaman ang Sweden. Maging ang kanilang mga Beer ay patok na patok sa bahay-alak ng mga tomador na Pinoy! πŸ™‚

So, alin ang aking “el paborito“?

MARIESTADS, beybeh πŸ™‚

Me drinking cold beer in a room that’s even colder than the beer πŸ™‚

The Spirit(s) of Sweden