Not exactly Manna from Heaven but…

It’s close enough! Buti na lang at may mga mababait akong kaibigan from Sweden na nakaka-intindi sa pighating nadarama ng isang Snus Addict na naubusan na ng supply 🙂

“Manna from Sweden” ang bumulaga sa’kin nang dumalaw ang isa sa kanila sa Pilipinas!

Salamat sa not-so-subtle facebook statuses ko at sa mga kaibigang Swedish na nakuha agad ang hint 🙂

Not exactly Manna from Heaven but…

My Swedish Addiction :-)

Parang pangit pakinggan ano? Tunog malaswa kasi. Hehehe… tipong biglang na-adik na ako sa mga cute na Swedish Babes o sa Swedish Massage.

Pero hindi. Ligal po ito.

Gan’to kasi yun…

Matagal ko nang ginive-up ang pagyoyosi. Itong latest kong pag-quit ay umaabot na ng mahigit 2 years (record ko ay 3 years na paghinto. OO. alam ko… sayang nga at nagsimula uli ako).

Ang kaso, bumabalik din ako eventually. Napapa-yosi kapag may matinding stress na dumating — sa trabaho, sa pamilya, sa personal.

Kaya try as I might, something always drags me back to smoking.

Pero alam ko na ang sikreto dapat maghanap ng kapalit na bisyo! Something less dangerous and addicting than smoking cigarettes.

Nasubukan ko na yung kendi ang isubo kapag may urge to smoke… hindi siya epektib.

Ang di ko pa nasubukan ay yung nicotine patch… kasi duda ako dito… at yung ecigarette… kasi kuripot ako (libo kaya yun!)

Pero I think I have found the final solution!

Salamat sa Sweden at sa kanyang SNUS!

Using Snus gives me the same buzz that a stick of yosi does, but without the smoke — so, better for your (my) lungs… and for your (my) neighbor’s. At dahil iba ang manner ng preparation niya, mas kaunti ang carcinogens nito (well, yun yung claim ng manufacturer…  at naniniwala naman ako. hehehe… adik nga kasi).

Ang problema ko lang, saan ako bibili nito sa Pinas? Dalawang case na lang kasi ang natitira sa supply ko. Powtek! 😦

My Swedish Addiction :-)

Walang duda… si John Le Carre na! :-)

Fan ako ni John Le Carre.

Bagong fan. Late-bloomer. As in few weeks old pa lang talaga.

Pero para pala siyang isang matinding addictionmatikman mo one time, hooked ka na for life.

Yun mismo ang nangyari sa’kin.

Nagsimula itong addiction ko nang bigla akong abutan ng aking “book pusher” — itago na lang natin siya sa pangalang “Alyas Saruman” — ng isang kopya ng Absolute Friends ni John Le Carre.

Akin na lang daw kasi meron na siyang ibang kopya… subukan ko lang daw… no pressure daw. Hehehe. Parang pusher talaga, ano? 🙂

Langya. Nabingwit ako!

Ngayon tuloy, I can’t get enough of John Le Carre…

Tapos ko na ang Absolute Friends pero may 5 libro pang nakapila:

1. The Honorable Schoolboy

2. Smiley’s People

3. Tinker, Tailor, Soldier, Spy

4. The Russia House

at

5. The Tailor of Panama

Buti na lang talaga at may mga discount bookstores… at mga book pushers! 🙂

Walang duda… si John Le Carre na! :-)