‘Pagkat ako’y isa (ring) Mabuting Pilipino!

There seems to be a certain “movement” gaining ground in the Philippines today — the Mabuting Pilipino Movement, which, I believe, was inspired by Noel Cabangon‘s song of the same name.

Naisip ko tuloy, how do I measure up to the standards of being a “Mabuting Pilipino” put forth by Noel?

Aber, tingnan ko nga… Magpatuloy magbasa “‘Pagkat ako’y isa (ring) Mabuting Pilipino!”

Advertisements
‘Pagkat ako’y isa (ring) Mabuting Pilipino!

Politics: The Necessary Evil

Kung tutuusin, very recently lang ako pumasok sa “full-time” political party work. Nitong 2005 lang.

Before that, nasa isang NGO ako — doing mainly alternative education work, cultural and economic research and skills-development trainings.

OO, “tibak” na din ako nun… actually, ever since nakawala ako sa High School eh na-unleash na yung “inner aktibista” ko (heheh…)

Pero feeling ko para bagang may kulang pa rin.

OO nga’t you’re doing something for the good of the people (well, at least for some of the people — di naman kasi kalakihan yung NGO namin)… pero towards what?

I remember asking myself then:

  • Mababago ba ang sitwasyon ng Pilipinas dahil sa mga trainings namin?
  • Mahihinto ba ang korapsyon dahil sa researches namin?
  • Kung madagdagan ba ang kaalaman ng ilang tao ay matatapos na ang kahirapan?

AHDONKTEENKSO!!!

In short, although commendable at hindi talaga matatawaran ang ginagawa ng mga progressive NGOs, may hangganan pa din ang impact nila — sa lokal lang talaga.

At kapag itinapat mo na ang mga gawaing ito sa malalaking isyu ng bansa, dun mo makikita yung malungkot na realidad na sinasabi ko.

  • Anong panama ng isang maliit na NGO sa isang Kongresong punong-puno ng buwaya?
  • Anong laban ng isang maliit na organisasyon sa isang Presidente na daig pa ang adik na tuko kung kumapit sa puwesto?
  • Anong itatapat ng iilang tao sa buong burukrasya ng Pamahalaan?

Teka… actually, hindi naman sa totally walang panama, walang laban, o walang magagawa… Depende sa NGO yun. Pero talagang onting-onti kung tutuusin.

Sabi nga ng isang henyo diyan sa gilid-gilid, “Tutoy, tandaan mo… there may be some things smaller than you… there may be some things that are your size… but there are definitely many things way bigger than you. Kaya huwag kang masyadong mayabang, taksyapu kah! Hahatawin mo ba ang higante na gamit eh fly-swatter lang?! Eh kung magalit yun at sipsipin ang mata mo?! Aanhin mo pa ang salamin mo n’yan?!

😐

Politics: The Necessary Evil