Alam ko naman na tumatanda na ako. Unang-una, hindi ako immortal. Wish ko lang yun. So, Yes, klaro na tumatanda na ako. Crystal, ika nga.
Kahit ano pang pag-deny ang gawin ko ay hindi na talaga uubra, lalo when faced by these indisputable evidences:
- Lalung lumalabo ang mga mata ko. Since I first started wearing glasses in my 2nd year in HS, nakaka-higit sampung “upgrade” na yata ang grado ng mata ko.
- Humihina na ang pandinig ko. Lagi na akong nagsasabi ng “Ha? Ano sabi mo?”
- Madalas nang sumasakit ang mga kasu-kasuan ko. Lalu kung malamig ang panahon… ay sows! Ka-kirot eh.
- Mahirap nang mag-lose ng timbang. Doble-, baka nga triple-effort na ang kailangan para magpapayat ng konti.
- Mas nagiging makakalimutin na ako. Birthdays… meetings… assignments… deadlines…
- Mas madalas na akong nagre-reminisce about the “good old days,” meaning, nung bata pa ako.
- Andami na ng mga puting buhok ko. Hindi lang sa ulo kundi pati sa balbas.
Pero ang pinaka-malupit na ebidensiya…
Ang mga kababata ko noon… Matatanda na ring lahat!
Wahahahahahaha!