At hindi lang ekonomiya ng Pilipinas ang tinutukoy ko. Mas pa yung mga pananaw at ugali natin bilang “Pinoy.”
Ilang dekada na kasi tayong nasanay sa ganitong mga pag-uugali, sa ganitong mga gawi. Hayan tuloy, parang “normal” na sila sa atin. In fact, we sometimes even celebrate them, rationalizing (read: make excuses for) them to bring out the so-called “positive aspects” of the trait.
Haaays. Tama ba yun? Alam nating mali ipipilit pa rin… for the sake of “identity?” It’s as if nababawasan ang pagka-Pilipino natin kung hindi natin ugaling maging ganito:
- Mahilig sumingit sa pila o mag-lagay sa fixer para mapadali ang buhay. “Diskarte” daw kasi ito
- Mahilig mag counter-flow sa kalsada kapag na-trapik.
- Wagas kung bumusina. Akala mo bibilis yun paglipat ng ilaw mula red to green.
- Tapon dito, tapon doon (na hindi naman ginagawa kapag nasa ibang bansa )
- Pinupuna ang lahat, pwera ang sarili
- Pag imported, laging mas mainam kaysa gawang lokal
- Ihi ng ihi kung saan-saan
- Galit sa kapwa — naba-badtrip kapag may nagka-counterflow, pero gawain din naman nya.
- Laging iniisip kung anong magiging balik (ganansya, ika nga) bago gawin ang isang bagay
At kahit hindi pa masasaabing “ilang dekada na nating nakasanayan”… malamang dun din mauuwi itong ugali ng maraming Pinoy na matapang bumanat online pero tameme naman pag harapan na ang komprontasyon.
Haaaays!
😦
Ganiyan talaga, kumpare. Sadyang hindi pa rin nga naitatakwil yung mindset na “basta makalamang sa kapwa”. Kahit anong “change is coming” pa iyan, wala ring kwenta kung mismong tayo ay ayaw mag-change.
Dahil mismo mga kababayan natin ayaw gumawa ng disiplina sa bawat sarili kaya hanggang ngayun ang dami pading ganyang pag uugali. Sa araw araw nalang na pag cocommute ko, palaging may tulakan at hinde nagbibigay galang sa mga buntis at mga senior citizen. sad lang!
tru dat, kapatid. kaya minsan parang hindi na ako naniniwala na magbabago pa ang mga Pinoy. ang mga kabataan pa siguro, kung maagapan. pero ang matatanda… give up na ako.
sang ayon ako sayo ;D