Pwede bang kahit “manners” na lang muna ang i-require?

Ang hindi ko lang talaga maintindihan, sa tuwing sumasapit ang eleksyon, bakit bigla yatang tumataas (ng sobra) ang mga standards natin pagdating sa mga kwalipikasyon at pagkatao ng mga tumatakbo?

Kunsabagay, hindi naman bawal ang mangarap. Ansaya nga sana kung totoong “walang bahid ng korapsyon” ang isang tumatakbo. O di kaya’y talagang “para sa bayan” lamang ang nasa isipan ng isang pulitiko. Kaso, alam naman nating lahat na walang ganung klaseng tao talaga.

Kahit nga mga Santo hindi perpekto, ‘di ba? So why the “extra-optimistic” demands all of a sudden? Can’t we all just be realistic when weighing the pros and cons of a candidate? Yung maging makatotohanan lang ba.

Ako, for example, kuntento na ako kung ang mga kandidatong iboboto ko (whether for local or national positions) ay:

  • hindi pipili ng mga consultant na mas bobo pa sa kanila
  • hindi i-insultohin ang talino ko sa kanilang pag-papalusot
  • hindi magiging sobrang garapal (yung harap-harapan na ba) sa pangungurakot habang nasa pwesto
  • uunahin ang kapakanan ng Pilipinas kaysa ng ibang bansa
  • totoong naniniwala AT may takot sa Diyos
  • practices “good manners and right conduct” 🙂
Advertisements
Pwede bang kahit “manners” na lang muna ang i-require?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s