Not everything is “Made in China”

Siguro hindi ako nag-iisa sa feeling na sobrang dine-dehado na ng bansang Tsina ang Pilipinas.

Chinese-bullying-Filipino-cartoon

Una: parang ginagawa tayong pabrika ng mga iligal na droga ng mga Tsino. Andaming “safe houses” ang kanilang nire-rentahan at kino-convert para maging laboratoryo ng Shabu. At ang malala pa dito, kapag nahuli sila, biglang “nakaka-takas” naman.

Pangalawa: sinasakop nila ang mga isla natin sa Spratlys at Scarborough. Pilit nilang inaangkin ang mga ito at itinataboy ang mga maliliit nating mangingisda. Hina-harass. Binu-bugahan ng water hose.

Pangatlo: patuloy nilang nili-limas ang mga yamang-dagat/lupa sa teritoryo natin. Mga Pawikan. Taklobo. Seahorse. Corals. Mameng. Black Sand.

Pang-apat: bina-baha nila tayo ng mga mumurahin pero delikadong produkto — gatas na may Melamine, laruang may toxic content, mga piyesang mahina kaya’t suma-sanhi ng aksidente — at dinu-durog ang mga maliliit nating negosyante

Panlima: ginagawa tayong tapunan ng mga smuggled agricultural products — sibuyas, manok, bawang, carrots, atbp. — kaya nalulugi ang mga magsasaka natin.

Pang-anim: nakikipag-kuntsabahan sila sa mga korap at abusado nating pulitiko (pati ang dating Presidente) upang ma-protektahan lang ang interes ng kanilang mga negosyo dito sa atin.

Etc. Etc. Etc. Ad Nauseam.

At ang nakaka-inis pa lalo, sila pa ang may ganang magalit sa atin! Kesyo pinag-kakaisahan daw sila. Sinasadya daw sila. Nagpa-pasaway lang daw ang Pilipinas!

Anaknghinayupaknabullynasingkitnamanoo!!!

Pwes, mula ngayon, I swear… sa abot ng aking makakaya… ibo-BOYCOTT ko ang lahat ng produktong “Made in China!”

boycott-products-made-in-china

Mahirap itong gawin, OO alam ko. Sabi nga nila, “God made the World, but everything else is Made in China.”

Pero, I believe na if I really try, and as long as it is clear to me why I need to boycott China’s products, kaya naman siguro. After all, every little bit counts.

Kaya sinimulan ko na, in my own small way.

Para sa backyard gardening work ko, bumili ako ng asarol (garden hoe), garden trowel at pandilig ng halaman. Usually, sandamakmak na ganitong tools ang “Made in China.” Pero nag-pursigi akong humanap ng mga alternatives.

At tagumpay naman! Heto ang mga nabili ko:

Asarol na “Made in the UK” ang ulo (at Pinoy ang kahoy na katawan), Garden Trowel na “Made in Brazil“, at Pandilig ng Halaman na “Proudly Made in the Philippines!” Woohooo!

DSC_0975

DSC_1024

 Mabuhay ang Pilipinas! 🙂

Advertisements
Not everything is “Made in China”

4 thoughts on “Not everything is “Made in China”

  1. Nice work, kaibigan – minsan, mas matitibay pa ang mga gawang Pinoy kumpara sa mga gawang Tsina; makakatipid ka nga sa una, pero bibili ka rin ng panibago kasi madaling masira’t mababa ang kalidad 😉

      1. Applicable din sa sapatos – sinabihan ako ni Erpat na mag-invest sa magandang klaseng pares; karamihan kasi ng sapatos ngayon eh gawang-Tsina, hindi nagtatagal ng taon (mas maayos pa nga pag yung mga ganoon ang ipinaayos sa Mr. Quickie) =))

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s