Given the nature of my current work, minsan Sundays na lang talaga ang nali-libre for relaxation and family life. Not that I’m complaining… ganun talaga minsan ang buhay. Buti nga may trabaho eh. Hehehe.
After all, it’s what you do with your free time that really counts. Quality trumps quantity, ‘di ba?
Kaya ako, every Sunday, may lista na ng mga relaxing things to do together with the family (Wife, Daughter and Son), and on my own (Me, Potchie the dog, Choco the other dog).
Pareho ba tayo ng Sunday trip?
Family activities:
- magluto
- manood ng TV
- play kick-ball with the 2 kids
- hugas plato kasama Daughter
- play with 2 dogs
- mamitas ng Kamias
- manungkit ng Mangga kasama Misis
- mamitas ng Sili para sa sawsawan
- tulong sa pag-sampay ng labada ni Misis
- bumili ng pandesal sa Bakery
- bumili ng ice-candy sa Tindahan kasama Bunso
- mag-agawan sa laptop for Internet time
- sabayang siesta sa sala
Solo activities:
- tanggalan ng garapata ang mga aso
- manood ng TV
- linisan ang bisikleta
- mag-tais ng itak
- magbasa ng Sunday paper
- abangan ang trak ng basura
- mag-ipon ng tubig sa tangke
And my favorite “pampa-relax” activity of all on a Sunday afternoon: dilig-dilig din ng halaman ‘pag may time! 🙂
Hehe, ganiyan din ako – pag weekends, plantsa lang ng damit tapos linis ng kwarto; di ko na kasi magawa sa weekdays pag-uwi ko at deretso plakda na ako sa kama XD
i feel your pain, kapatid. hehehe. same here.
huwaaaaaahh, namiss ko ang Pinas..hindi ko na po magawa yang mga yan dito sa disyerto, puro trabaho, linggong linggo, trabaho, hahayst, hahaha, bitter ang peg ng lola nyo.. 😛
hehehe, ganyan talaga buhay, kapatid. yaan mo’t mararanasan mo ulit ang mga ito kapag yumaman ka na 🙂
Bossing! Swak din na pampa-relaks sa Sunday afternoon yung pag-inom ng ice-cold beer sa garahe! 🙂
Ok sana kaso may alcohol ban sa bahay eh. Magagalit si misis 😦
Ansipag mo naman kuya .. isa kang ulirang ama at asawa ,, saludo po ako! matagal na po pala itong post mo. ;D God Bless po.
salamat, kapatid 🙂 sayang at deleted mo na pala ang blog mo. di tuloy ako maka-basa ng kwentos mo.
hinde naman po deleted kuya … kakapost kolang po ng bago kanina. 🙂
ay. pag kini-click ko kasi yung saraonfire.wordpress.com na link ang lumalanas na message ay “saraonfire.wordpress.com is no longer available. the authors have deleted this site.” 😦
Ay opo pinalitan kona po sya kuya ben matagal na.. http://www.pinaybyaheras@WordPress.com. yan po ang pinalit ko. 😃
ayuuun!
nakita ko na siya. followed your blog 🙂
Thank you po.. 😃👍