Di ko lang ma-gets kung bakit ayaw ng ilang Pinoy na tikman ang Balut. Mukha naman siyang masarap, ‘di ba? Sa kulay pa nga lang alam mo na na masustansya talaga siya. At self-contained pa — built-in yung lalagyan ng pagkain! May laman at sabaw ng sabay. Asin at suka na lang ang kulang. Pwedeng kainin as is, gawing ulam, prituhin, adobohin, gawing sisig. Creativity mo na lang ang limit!
Saan ka pa?
At least hindi Bulate, ‘di ba?
🙂
I agree with you on this one – masarap ngang ulam sa mainit na kanin eh, pigaan lang ng kalamansi tapos lagyan ng asin :))
(Tried it back when I was in college, nagsawa kasi ako sa inuulam ko sa dorm)
bigla tuloy akong ginutom sa description mo ng kung paano mo kinakain ang balut dati. patok nga yung kalamansi! 🙂
eh kc feeling ko aborted ung sisiw.. at least pag egg, kumbaga, regla lng un ng manok.. d maxado nakakakonsenxa.. tama b ung logic klo? hehee
hehehe. of course tama, kapatid. we all have our personal opinions. tuwa lang ako sa sabi mo. regla talaga? 😀
Dahil sa dami ng paraang kainin ang balut, pra rin pala tong mang tomas. Nakakain ako ng balut, hinde ko kinaya ang tuka. Kaya magmula nuon, nauwi ako sa penoy hehe.
kanya-kanyang trip lang yan, kapatid. salamat sa comment 🙂