Bakit ayaw kong tumira sa Pinas (part 1 of 2)

Mawalang-galang na po sa mga tao na naniniwala sa prinsipyong “right or wrong, my country,” na kung ita-translate loosely to Tagalog ay “nasa tama man o mali, sa bansa ko pa rin ako hahanay!”

Patriotic talaga kung pakikinggan, at marami ring pagkakataon na applicable siya. Pero hindi sa lahat… Hindi sa lahat.

Minsan, dahil nga sa mahal mo talaga ang iyong bayan, kailangan mo itong punahin… pagalitan… paluin (kung pupwede lang talaga)… o di kaya’y parusahan.

Ang hirap kasing palaging kinukunsinti ang kamalian.

Parang magulang at anak lang yan.

Kaya, mahal kong Pilipinas…

ANYAAAARE?!

Natagurian kang isang “demokrasya,” puro naman vote-buying kaliwa’t-kanan!
Bidang-bida ang “hospitality” mo sa mga dayuhan, napaka-inhospitable mo naman sa ilang sektor ng iyong sariling mga mamamayan!
Tampok ang disiplina ng mga Pinoy kapag nasa ibang bansa, dito naman sa atin, daig pa nila ang mga baboy na nakawala sa kural!
Bastyon ka ng relihiyon (katolisismo, kristiyanismo at islam), pero parang pinamumugaran ka ng mga demonyo!
Andaming mong mga matatalinong tao, puro naman sa kalokohan ginagamit ang talino!
Biniyayaan ka ng sandamukal na likas-yaman, unti-unti mo naman itong binabasura’t dinudurog!
Andaming reklamador…
Andaming bastos…
Andaming mayayabang…
Andaming utak-pulbura…
Andaming kawatan…
Andaming adik…
Andaming baliw…
Andaming trapo…
Andaming manyak…
Aray ko ampusokoh.

Unhappy face

Advertisements
Bakit ayaw kong tumira sa Pinas (part 1 of 2)

2 thoughts on “Bakit ayaw kong tumira sa Pinas (part 1 of 2)

  1. relate much, ser 😦 kelangan yata eh iluhod at ipag-fasting ang pilipinas ng 40 days at 40 nights para lang ma-exorcise ang lahat ng masamang espiritu sa bansa natin…

    nag-aalangan na nga ako mag-post ng mga bagong articles sa sarili kong blog sa mga panahong ito dahil puro nakaka-stress lang ang naiisip kong topic…

    1. oo nga eh. pero minsan therapy din yung maglabas ng mga sama ng loob. hehehe. anyway, by looking at the bad we can also see the good, if only through contrast.

      salamat sa comment, kapatid 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s