My “selective” love affair with Books

I love books.

Hindi ako adik sa books, pero I love them. Lalu na kung interesting yung topic/tema, hardbound, with pictures and images, at… pinaka-mahalaga, na-iintindihan ko.

Because, let’s face it, there are lots of books out there that people don’t, can’t, or won’t understand. So I’m positive I’m not just speaking for myself when it comes to that last statement. 🙂

But back to books…

Nagsimula yata ang love ko sa books kasi mahilig akong ibili ng picture books ng Ermats ko. Every Sunday, after Mass, tiyak may bagong libro akong makukuha sa kanya.

Medyo mahilig din sa libro ang Erpats ko kasi, I remember clearly, may 2 sets kami ng encyclopedia sa bahay noon — Groliers at Colliers Encyclopedia. Mas gusto ko yung Colliers kasi mas maraming colored pictures yung loob. Later on, nakahiligan ko rin yung pagbili ng Funny Comics.

Elementary School pa lang ay tambay na ako ng Library. Lagi kong inaabangan yung latest copies ng Newsweek, National Geographic, at iba pang mga katulad na magazines. Sa bahay naman ay excited ako sa pag-uwi ng Erpats ko galing opisina kasi bitbit niya yung dyaryo nila at yung latest book na nahiram niya sa office library.

High School naman nang una akong nagbasa ng Tolkien at Asimov.

Nung College, medyo namayagpag yung mga textbooks sa buhay ko pero out of necessity lang… walang Love involved. Hehehe.

Nung nagta-trabaho na ako at kumikita na ng sariling pera, umarangkada na yung passion ko for books. Kaya ko na kasing bilhin yung mga librong gusto kong talagang basahin.

Fast-forward to today.

bookcase02

Nangangarap akong maisa-ayos ang aking munting “Library” sa bahay… medyo magulo kasi. Walang logic. Magkakaiba yung pagkaka-salansan at halo-halo yung magkakaibang topic. Nasasamahan pa ng mga stuffed toys at iba-ibang abubot.

Meron akong 3 Book Cabinets so far pero mukhang I need to have at least 2 more para maisaayos ko ng matino yung aking book collection.

bookcase01

Again, hindi ako book addict. Pinipili ko yung librong bibilhin ko. In fact, mahilig ang mag-dispatsa ng mga librong hindi ko masyadong type. Of course, pag bigay o libre yung libro, tatanggapin ko. Hehehehe. Pero kung gagastusan ko, may strict criteria akong sinusundan:

  • 2nd-hand dapat (with very few exceptions)
  • Hardbound (as much as possible. Mas matagal kasi ang buhay)
  • Falls under the following topics: History, War, Military, Science Fiction, Fantasy, Biography

Ok lang din ang Novels, Comics at magazines basta pasok sa mga nasabing topics.

Sana… mamana sakin ng mga anak ko ang pagka-mahilig magbasa. 🙂

Advertisements
My “selective” love affair with Books

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s