Fearful Forecast for 2013

crystal ball

Tuwing end-of-the-year ay usong-uso ang maglabas ng mga “fearless forecasts” at “hula” tungkol sa taong paparating. Usually, mga showbiz “manghuhulas” o Chinese astrologists ang binibigyan ng Media ng airtime para ilabas ang kanilang mga “nadarama” tungkol sa isang artista, sa ekonomiya, sa presidente, o sa bayan.

Needless to say, most of these predictions fall way off the mark, with one or two coming true, in a fashion (read: a la tsamba lang). Pero bakit sila lang ang pwedeng manghula? It’s a free country (sort of), right?! Dapat lahat ng tao pwedeng manghula!

At kung ayaw ng Media na bigyan tayo ng airtime… let’s make our own “airtime” online!

Kaya mga kapatid… mga minamahal… mga kapamilya… kapuso… kasambahay… kakosa… ka-blog… at kabayan… let’s make hula-hula na for 2013! 🙂

Ako? Hetong mga hula ko for 2013:

  • Mas “lalakas” ang ekonomiya, pero gaya ng dati, iilang tao lang ang makaka-ramdam sa paglakas nito. For the rest of us, same-old same-old pa din.
  • Mas titindi ang mga bagyong hahampas sa Pilipinas, pero ngayon mas magiging handa na (sana) ang mga disaster response and relief agencies para tugunan ang aftermath.
  • Mananatili ang mataas na rating ni PNoy sa mga surveys pero baba lalo ang rating ng ilang mga kilala niyang tauhan at alyado.
  • Magkakaroon ng breakthrough sa usapin ng Spratlys Islands at Scarborough Shoal sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Kaso hindi pa klaro sa akin kung positive o negative ang breakthrough na ito.
  • Mas dadami ang mga syudad na magpapatupad ng Total Firecracker Ban pero marami pa din ang mga pasaway na madidisgrasya sa mga papautok.
  • May isang “big fish” na makukulong sa kasong pangungulimbat sa kaban ng bayan.
  • May ilang magagaling na pulitiko na mananalo sa halalan sa Mayo pero sa kalakhan ay puro mga Trapo pa din ang makaka-upo.
  • Mas dadami pa lalo ang mga SM malls sa buong bansa.
  • Mas dadami ang mga naka-motorsiklo sa kaldasa.
  • Mababawasan lalo ang mga punong-kahoy sa Quezon City.
  • Mas dadami ang mga Koreanovelas na palabas sa TV.
  • Magiging self-sufficient na tayo sa Bigas! Yahoo!
  • Mahuhuli na sina Ecleo at Palparan, pero may mga notorious na preso naman na makakatakas sa Bilibid.
  • May ilang syudad ang magpapatupad ng Total Gun Ban pero sa New Year’s Eve na parating, meron pa ring mga inosente na mabibiktima ng mga ligaw ba bala.
  • May isa na namang sikat na artista na papanaw.
  • Magkaka-syota ulit si PNoy.
  • Mas dadami ang mga seryosong Pinoy “preppers.” Seryoso meaning hindi counted ang mga crackpots at kung anu-anong kulto.
  • Mas dadami ang mahuhuling mga dayuhang smugglers at drug mules pero makakalusot pa din ang mga may pambayad. Haaays.
  • Mas dadami ang mga walang-kwentang pelikula 
  • Mananalo ulit si Donaire!
  • Lalaban muli si Pacman. Kung mananalo siya ay Diyos lang ang may alam. Ang tiyak—kikita ulit ang promoter at aaligid pa din sa kanya ang mga Trapo’t Epal.
  • Matatapos na sa wakas ang giyera sa Syria at mapapatalsik (o baka mapatay din gaya ni Kadaffy) si Assad.
  • Patuloy pa rin ang giyera sa pagitan ng mga Israeli at Palestino.
  • May bobomba sa nuclear facilities ng Iran
  • Mas bubuti ang relasyon sa pagitan ng South at North Korea.

Kayo? Anong nadarama ninyo para sa 2013? 🙂

Advertisements
Fearful Forecast for 2013

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s