Handa na ako sa Zombie Apocalypse!

Sabi na’t magbubunga din ng maganda ang kakapanood ko ng magkakasunod na episodes ng “Doomsday Preppers“… at ng iba’t-ibang Zombie movies gaya ng “28 Days Later,” “28 Weeks Later,” “Dawn of the Dead,” the “Resident Evil” series (pati na yung anime version), “Army of Darkness” (kahit comedy pa siya), “Night of the Living Dead,” “Dead Girl,” “Evil Dead,” “Zombieland” na comedy ulit, “Zombie Apocalypse,” and, last but not the least, 3 seasons worth of “The Walking Dead,” and counting.

After all of this… sa wakas, HANDA NA AKO!

Handa na ako sa napipintong pag-salakay ng mga Zombies! Muwahahahahahaaaa!

Alam ko na ang mga dapat kong gawin… gaya ng:

  • Planuhin kung saang lugar tatakbo para magtago, o magkulong, para hindi abutan ng Zombies — preferred site ko ay isang gusali na madaling bantayan at i-reinforce ang mga entrances/exits sa first floor (basta huwag lang marunong lumipad ang Zombies), at may maraming imbakan ng tubig (tangke, swimming pools, etc.)
  • Mag-imbak ng tubig, pagkain at gamot para tumagal ang buhay at ipagpatuloy ang pag-lipol sa mga salot na ‘to. Piliin ang mga hindi agad nabubulok — delata, tuyo, bigas, mais, munggo… 
  • Mag-imbak ng armas at aralin kung paano ito gamitin ng maayos upang protektahan ang sarili, pamilya, grupo, at upang mapatay ang mga Zombies na nagkalat sa labas. Best choices ay baseball bat, 9MM pistol, shotgun, M4-type carbine. Basta yung mga madaling hagilapin ang tipo ng bala.
  • I-organisa ang mga kapareho kong mag-isip (mga kapwa “preppers,” ika nga) upang maging isang community of survivors at maging isang epektibong Zombie-Killing Team!
  • Piliting makabuo at depensahan ng isang Zombie-Free zone where the human race can begin rebuilding civilization. Maigi kung isang isla na walang Zombies, may tubig at pwedeng magtanim ng gulay, prutas, bigas, atbp., at mag-alaga ng mga hayop (basta huwag lang marunong lumangoy ang Zombies)
  • Pag-aralan ng malaliman ang mga Zombies. Know the enemy, ika nga. Saan sila nanggaling? Paano sila dumadami? Paano sila patayin? May amo ba sila? Posible bang makipag-communicate?

And finally… SURVIVE. Do whatever it takes just to survive. 😐

Adik ba? Hehehehehe…

🙂

Advertisements
Handa na ako sa Zombie Apocalypse!

4 thoughts on “Handa na ako sa Zombie Apocalypse!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s