LED na bumbilya… Magtipid para sa pamilya!

Napa-isip lang kasi ako nitong huling Earth Hour event… OK naman yung patayin ang mga “non-essential” lights for 1 hour to ease the burden on our energy generation systems, if only for a short while. Dito sa atin, ayon sa balita after the activity, we were able to save around 360MWs of electricity (grabe pala ang energy demand natin sa isang oras, ano?)

Pero paano naman yung mga “essential” lights na dapat naka-on pa din? Patuloy pa din yung higop niya ng kuryente from the system?

[An aside: Tanong sa’kin ng anak ko nung pinapanood namin yung Earth Hour coverage sa TV, “Daddy, bakit hindi natin patayin yung ilaw natin sa sala for Earth Hour?” Sagot ko naman, “Anak, iisa na nga lang yan na naka-bukas, papatayin pa natin?! Over naman yun.“]

So paano nga? How can we conserve energy when turning off more lights is no longer an option?

One way would be to redefine the term “essential.” Ewan ko sa iba ha, pero for me “essential” would mean something that, if taken away (or turned off, in this case), would adversely affect the security and health of my family and me. All other considerations ay papasok na sa varying degrees ng “non-essentiality.”

Halimbawa:

  • Pag pinatay ang isang ilaw at naging mas vulnerable kami sa akyat-bahay gang… essential yung ilaw na yun!
  • Pag pinatay ang isang ilaw at nabawasan ang ganda ng facade ng bahay namin… non-essential na ilaw yun!
  • Pag pinatay ang isang ilaw at nahirapang hanapin yung gamot sa hika ng anak ko na nakapatong sa estante… essential yung ilaw na yun!
  • Pag pinatay ang isang ilaw at dumilim ang sala habang nanonood kami ng TV… non-essential ang ilaw na yun.

So kung wala talagang choice at dapat iwanang naka-on ang essential lights, tiyakin na lang na energy-saving ang mga ilaw na ito! Sa bahay, isa-isa ko nang pinapalitan ng LED bulbs yung mga CFL bulbs namin. Technically, energy-saving na nga yung CFLs kasi mas matipid siya ng di-hamak sa mga naunang Incandescent bulbs.

Pero ang LEDs, mas matipid naman ng di-hamak sa CFLs! Mas matagal din ang buhay nito. Mas resistant din ito sa shock kaya kahit maalog (o sadyang alugin) ay buhay pa din siya. Ikumpara niyo din yung liwanag ng bawat isa:

Ilaw mula sa CFL bulb na 15 watts…

at ilaw mula sa 7 watts na LED bulb.

Saan ka pa, di ba?! Problema lang yung presyo. Dahil relatively new technology siya, may kamahalan talaga. Kaya investment yung maglipat sa LED bulbs. Pero OK pa din kasi, dahil mahaba ang buhay niya, mas mura ang labas niya in the long run.

Kaya nag-decide na ako: utay-utay, papalitan ko ng LEDs ang lahat ng mga ilaw namin sa bahay. Starting with the essential lights; later pati na yung mga non-essentials.

Siguro naman magmumura din ito later. Parang USB drive lang yan. Nung una 5K yung 4Gig na USB, ngayon, 350 Pesos na lang siya. So yung 600 Pesos na LED bulb ngayon, sa ilang taon baka 250 Pesos na lang. 🙂

Advertisements
LED na bumbilya… Magtipid para sa pamilya!

3 thoughts on “LED na bumbilya… Magtipid para sa pamilya!

  1. Led Lights ang gamit ko sa gallery,pinakamababa 3watts .sa binondo may supplier kami.Wanna try? hehehe.nag offer din sila ng Solar Power,kung may sarili ka bahay pwede ka magpakabi mas bongga! 27t kaya na isupply ang tv at ilaw at elctricfan.wala ka namn na babayaran kuryente.yun nga lang malaki ang puhunan,pero long lasting at eco friendly pa 🙂

    Taroogs — ok yan a! sige, pasama minsan sa kontak mo. for the LED lights muna (i’m sure mas mura dun kaysa sa mall). later, i really wanna invest sa solar panels 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s