Like it or not, ito ako :-|

That was more a statement to myself than to anyone else.

Being exposed to too many opinions, points of view and stands (many often contradicting one another) can definitely wreak havoc on a person’s self-concept. Those of relatively weak disposition (or is it weak discipline?) may end up being like a SPONGE — soaking up every single opinion one comes into contact with, mixing all these together and calling the result one’s own.

Definitely not a good thing.

Lalu na kung madalas kang matanong ng, “Teka… so ano ba talaga ang sariling opinyon mo kung ganun?

Kaya minsan it’s good to do regular reality-checks, at least when it comes to your “personal” beliefs… peer opinions, popular trends and organizational affiliations be damned.

Kaya… like it or not, Taroogs, ito ang mga paniniwala mo:

  • Payag ka sa Death Penalty para sa “heinous” crimes. Hindi na nito kailangan pa ng mahabang paliwanag. Basta karumal-dumal talaga yung krimen… yung tipong hindi na tao ang gumawa… bitayin na.
  • Sang-ayon ka na hindi dapat ihalo ang mga menor de edad sa mga matatandang preso. Pero mali na sa DSWD lang sila inihahabilin. Dapat may itayong eksklusibong piitan para sa mga batang kriminal at doon gawin yung rehabilitasyon nila. Kapag inabot na nila ang age of majority, repasuhin ang kanilang kaso at either pakawalan na sila or ilipat na sa ordinaryong piitan.
  • Galit ka sa synthetic/overly-processed drugs (shabu, cocaine, rugby, ecstasy, etc.) pero OK lang sa’yo ang marijuana, talampunay, ‘shrooms at hash. Btw, para sa’yo, drug-pushing is not a heinous crime but operating drug laboratories definitely is!
  • Kapag tumawid ka sa bawal tawiran at nabangga ka ng sasakyan, kasalanan mo yun! Dapat walang kaso yung driver. Conversely, kapag nasa tama yung pedestrian at sinagasaan, sinide-swipe, o binangga, kulong agad dapat yung drayber!
  • Racism is OK sometimes. Lalu na kung may katwiran (e.g., may OFW na pinatay ng among Arabo, o mga Pinay na nilinlang ng Nigerians para maging drug mules). Kaya nga tinagurian siyang “weapon of the weak.” Pero ibang usapin na yung generalizing na racism.
  • Gender-sensitivity seminars will have minimal effect on “old” people (30 y.o. and above) kasi buo na yung personality nila. To be truly beneficial, it has to begin during preschool and continue until kids graduate from college.
  • We Filipinos are not beyond redemption; but it will take something drastic to change us for the better, or to at least arrest our cultural deterioration. Kung ano yun, hindi ko alam. But I pray that it won’t be as catastrophic as an atomic bomb exploding over our cities or as cataclysmic as a major earthquake or tsunami wiping out whole communities. Hindi ko lang talaga makita na isang charismatic leader ang magiging daan. We Pinoys have become too jaded to go down that easy a road again.

Yun muna. Nade-depress na naman ako. Haaays. 😦

Like it or not, ito ako :-|

4 thoughts on “Like it or not, ito ako :-|

  1. boss taroogs, habang tinitignan ko yung picture mong mukhang gustong mambira at mang umbag, bigla kong naalala si sir johnny delgado hehe!

    sang ayon ako sa lahat ng prinsipyo mo at paniniwala lalong lalo na sa kaso ng pagbangon ng pinoy at pinas. hindi sapat yung inspirasyon lang, kulang yung bagong pag-asa lang. mga intangibles kasi ito. hindi lahat, kayang sumulong kung ito lang ang nagtutulak. kailangan talaga yung pagbabagong nararamdaman higit lang dun sa araw araw na sinasabi natin na gusto nating mangyari. mahirap nga siguro, pero siguro, one selfless act at a time, kahit gaano kaliit.

    nakaka depress nga talaga minsan pero hindi rin kasi option ang bumitaw sa tingin ko. magandang araw bossing! add kita sa blogroll!

    Taroogs — hahaha! this post made my day, kapatid na duking! idol ko talaga si johnny delgado 🙂 tama ka… hindi talaga option ang bumitaw at sumuko, gaano man tayo ka-depressed o disappointed sa buhay. yan ang gusto nilang mangyari. we must not let them win! added you na rin.

  2. cheer up, manong taroogs!

    I third the motion (sumecond na kasi si manong duking) sa paniniwala mong mabalik ang dealth penalty! masyado nang madaming karumal-dumal na krimen ang nagaganap dito satin.

    I third the motion din sa pangalawa mong sinabi, as for the rest, pinag-iisipan ko pa po, hehe,

    mabuhay!

    Taroogs — hehehe. maganda yan kapatid na aubu! dapat talaga nag-iisip tayo palagi for ourselves and not accept everything other people say. mabuhay ka! 🙂

  3. ay ako din, death penalty para sa mga maitim ang puso… agree din ako na kapag di ka tumawid sa tamang lugar, ikaw may kasalanan talaga. at sa totoo lang, yung mga gumagawa ng mga droga na iyan? sa kanila dapat pinapagpad ang mga pulbura na yan. kainis. si kengkoy naman yung mga rapist daw dapat putulin ang ari!

    Taroogs — hehehe. ka-bwisit ano, mareng kengks? talagang we are a violent people pretending to be humane 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s