Wild ang life ‘pag may wildlife #2

May ilan na namang new sightings ng kakaibang wildlife (sa tingin ko lang naman) sa bandang amin. Buti na lang at mabilis ang (digicam) trigger finger ko! At buti na lang ulit at alam ko yung unscientific descriptions ng mga hayop na ‘to. 🙂

Species 1: Palakang Feeling

As in feeling niya lagi na close kayo. Kaya laging pumapasok sa bahay… sa salas… at tumatabi sa pagtulog mo. Nanggigising sa gabi. Malamig at madulas kasi ‘pag nadikit sa binti mo.

Species 2: Bubuleng Posing

Hindi katulad ng ibang bubuli na kumakaripas ng takbo kapag nakakita ng tao, itong bubuleng ‘to ay humihinto… nakikipag-titigan… at humahanap ng posing sa saktong pang-facebuk 🙂

Species 3: Mrs. Gagambang Powtek

Ilang beses ko nang nakita dati ‘tong gagambang ‘to. Minsan single… minsan may ka-date. Ngayon, karay-karay na niya ang 100+ anak niya (gagambettes). Yun o!

Species 4: Palakang Demmit

Kasi naman, ang hilig umihi ng linsyak na palakang ito kung saan-saan! Sa garahe. Sa mga tsinelas at sapatos na naiwan sa tapat ng pinto… Demmit talaga! Demmit! Magkaka-kulugo tuloy ako nito. 😦

Advertisements
Wild ang life ‘pag may wildlife #2

3 thoughts on “Wild ang life ‘pag may wildlife #2

  1. kulang pa ng ahas at bayawak to manong taroogs, hahaha, astig, (pero kinilabutan akong tingnan ung malaking gagamba at malaking palaka) yay

    Taroogs — hinihintay ko din na may maligaw na baboy-ramo. hehehe

  2. boss taroogs, ibig sabihin niyan, buhay pa ang ecosystem sa palibot ng bahay mo. ang badnews, baka sundan sila ng mga predator nila jan tulad ng ahas. yaiiks!

    Taroogs — nakow. kung nagkataon… yari yung ahas sa ultimate predator — ako! hehehe. adobo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s