“Safe Commuting for Idiots”

Lampas 3 years pa lang naman akong “Full-time Commuter” pero sa tingin ko eh sapat na yung panahong ‘yon para makabuo ng ilang crucial “learnings” on how to keep safe sa tuwing bumibyahe… jeep man ito, o bus, o tricycle, o taxi.

Tawagin na lang natin itong “Safe Commuting for Idiots.” 🙂

Safe Commuting Rules:

Trust Your Instincts! Di bale nang tawagin kang “praning“… kung sa tingin mo ay may sabit yung jeep/bus/trike/taxi na sasakyan mo (kahit na-para mo na, at kahit masama na ang tingin sa iyo ng mga pasaherong naabala mo), huwag kang sumakay. It could be the Universe telling you something.

Huwag kang Takaw-Problema! Minsan kasi, yung commuter na rin ang may kasalanan kung bakit siya na-perwisyo. May teorya kasi na pinipili ng mga masasamang-loob yung mga bibiktimahin nila based on several factors — at kabilang na rito yung kung mukhang hindi alerto… kung maraming dalang pwedeng ma-harbat… kung walang kasama, etc.

Alerto Palagi! The signs of impending trouble are there, huwag mo lang dedmahin. OK naman ang mag-dasal or to hope that nothing bad will happen… pero huwag kalimutan ang “Murphy’s Law.”

Para mas simple, heto ang ilang “Tips” na nire-rekomenda ko:

  • Huwag sasakay sa masyadong madilim na jeep, sa puro maton ang sakay, sa masama kung tumingin ang tsuper/backride…
  • Huwag mag-celfon/psp / ipod pag nakasakay na sa jeep/bus/trike at, kung maaari, alisin muna ang mga mamahaling alahas/relo bago bumiyahe.
  • Dapat strategic ang pipiliin mong pwesto sa loob ng sinasakyang jeep. Mukha bang kaskasero ang driver? Pwes, huwag umupo sa likuran niya para kung mabangga ay di ka maiipit.
  • Huwag matutulog habang bumibiyahe. Kung ‘di maiwasan, ipulupot mo sa katawan mo ang strap ng dalang bag.
  • Huwag maging ma-angas. Baka maka-tiyempo ka ng mas-maangas kaysa sayo… buset ka.
Advertisements
“Safe Commuting for Idiots”

3 thoughts on ““Safe Commuting for Idiots”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s