Ako ba ay isang TUNAY NA LALAKE?

Panalo talaga itong blog na Hay! Men!

Napa-isip tuloy ako kung ako nga ba ay isa talalagang TUNAY NA LALAKE. Medyo mabigat kasi yung mga pamantayan nila.

I wonder how I measure up (1 point kada item) 🙂

Manifesto ng Tunay na Lalake

  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog. (medyo-medyo lang ako dito. hanggang puyatan lang. tumatanda na kasi. 0.5 points)
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot. (delikado ito at baka pagalitan ng boss. pero kahit sumasagot ako, malabo naman. 0.5 points)
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice. (oo naman! minsan nga nakaka-tatlong balik pa! 1.5 points)
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian. (yun o! karne with taba, please! 1 point)
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs. (boom! san ka pa? 1 point)
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. (i’m on a roll, beybeh. 1 point)
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake. (nakow. olats. pride chikin ako e. 0 points)
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief. (patay tayo d’yan. 0 points)
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae. (no comment. baka mabasa ni misis ang sagot ko. minus 0.5 points)
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba. (amen. 1 point)

Out of a maximum of 10 points, nakakuha ako ng…

6 points!

wow labo.

Mukhang “Under Consideration” pa ang pagiging TNL ko 😦

Advertisements
Ako ba ay isang TUNAY NA LALAKE?

One thought on “Ako ba ay isang TUNAY NA LALAKE?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s