Major Major Eyesore!

Lintek na bus hostage incident na yan… sumabay pa sa sakit ng mata ko. Di ko tuloy naipahinga ng maayos.

Ayan tuloy… yung mga mata ko, parang yung hostage-taking din — palala ng palala as the hours went by 😦

Aug 23: bandang 7am — heto ako that fateful day. Bagong gising. Piniktyuran ang sarili kasi medyo makati ang kaliwang mata. Dudang nahawa sa sore eyes ni Dear Dawter. Akala ko it would be just another ordinary dayMali pala ako. Maling-mali.

Aug 23, nung unang pumutok ang balitang hostage-taking sa TV — siya namang pag-sulpot ng pamumula sa kaliwang mata. Confirmed na Hong Kong nationals yung mga hostages. Confirmed din na may sore eyes nga ako. Powtek. Shempre walang humpay na panonood ng tv ito!

Aug 23, bandang hapon, nang i-post ng hostage taker yung note sa bintana ng bus (“3pm Deadlock”) ay sya! masamang pangitain ito. May mga pinalaya nga, pero andami pa ding naiwang hostages. Umeksena pa yung ma-epal na kapatid nung hostage-taker! Tapos andaming miron… andaming media… andaming usisero. Dumidilim na nga, lumakas pa yung ulan. Shet. Andaming masamang pwedeng  mangyari!

Aug 23, gabi, nang magsimula na ang PUTUKAN, PATAYAN at SISIHAN Taksyaapuuu!!! Sabi na nga ba e. 😦

Advertisements
Major Major Eyesore!

2 thoughts on “Major Major Eyesore!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s