Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… yata :-)

Salamat kay Noel Cabangon at may maayos na pamantayan na rin ako sa pagiging isang “Mabuting Pilipino.”

I wonder how I measure up to the exacting criteria he proposed in his song?  Yung mga pulitiko kasi na nasa Inauguration ni PNoy e mukhang nahirapan lahat 🙂

Ako kaya?

Aber, isa-isahin nga natin!

AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO

by Noel Cabangon (Idol!)

I.

Ako’y isang mabuting Pilipino (sana nga. we’ll see sa dulo kung ano ang score ko)

Minamahal ko ang bayan ko (naman. kelangan pa bang imemorays yun?)

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin (yata)

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin (posible ba ang 100% compliance? hindi, di ba?)

II.

Tumatawid ako sa tamang tawiran (halos)

Sumasakay ako sa tamang sakayan (see previous comment)

Pumipila at di nakikipag-unahan (ay oo. asar na asar talaga ako sa mga sumisingit sa pila! lalu na yung mga patay-mali pa. grrrr.)

At di ako pasiga-siga sa lansangan (opkors! ayokong mamatay ng maaga no.)

III.

Nagbababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan (not applicable. wala ako kotse. di din ako drayber)

Hindi nakahambalang na parang walang pakialam (see above)

Pinagbibigyan ko’ng mga tumatawid sa kalsada (oo. lalu’t kasabay nila ako sa pagtawid. hehehe)

Humihinto ako pa gang ilaw ay pula (humihinto talaga ako sa paglakad. ayokong masagasan. h’nsakit nun)

(Chorus)

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino (see comments sa Stanza I.)

Minamahal ko ang bayan ko (ditto)

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin (ditto din)

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin (ditto na naman)

IV.

Hindi ako nangongotong o nagbibigay ng lagay (kotong, hindi. lagay, once in a while. hehehe. iba-ibang klase naman ito, di ba?)

Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay (sa sinehan at bus lang ako madalas naaabutan ng tiket)

Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto (kung may hinihintay lang naman. at di dun sa madidilim na kanto)

At di nagtatago sa ilalaim ng puno (pwera kung umuulan ha)

V.

Hindi ako nagkakalat ng basura sa lansangan (ay oo. nilalagay ko sa isang bulsa ng bag ko yung mga tiket ng bus at balat ng kendi ko. walang upos kasi di na ako nagyoyosi)

Hindi bumubuga ng usok ang aking sasakyan (walang tambutso ang bisikleta :-))

Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan (kada Linggo, ako ang taga-abot ng basura namin sa trak. kaso hindi segregated :-()

Inaalagaan ko ang ating kapaligiran (mahilig akong magtanim sa bakuran namin. pwede na ba yun?)

(Repeat Chorus)

VI.

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang (scary yun. matagal na silang pumanaw kasi)

Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan (sabagay, learning is a never-ending process)

Hindi ako gumagamit ng bawal na gamot (ay… no comment. hehehe)

O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok (sa opisina na ako pumapasok… pero minsan nagiging tambayan din siya)

VII.

Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan (yes. what’s left of it :-))

Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan (di naman. meron ding iba pa)

Di ko ibinebenta ang ating kinabukasan (ay oo. pati na yung kinabukasan ng pamilya ko!)

Ang boto ko’y aking pinahahalagahan (one person, one vote! reform the COMELEC! linisin ang Voters List! Now Na!)

(Repeat Chorus)

VIII.

Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan (in my own way)

Pabor o lagay ay di ko pinapayagan (kumporme sa pabor)

Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan (sana din)

Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan (pera nga ng opisina di ko maibulsa, yung sa bayan pa :-))

IX.

Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino (yung iba lang)

Mga karapatan nila’y kinikilala ko (yah! non-negotiable ang human rights)

Iginagalang ko ang aking kapwa-tao (kung marunong din siyang gumalang, shemps. di naman ako santo)

Ipinaglalaban ko dangal ng bayan ko (pag nasa katuwiran, ipaglaban!)

(Repeat Chorus)

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… (sana)

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… (sana nga)

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… (sabing sana eh. kulit)

Sana hindi ka masyadong disappointed sa’kin, Noel 🙂

Advertisements
Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… yata :-)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s