Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?

Gan’to kasi yun. Si Dear Dawter (DD) may dalawang tuta — si Doggirl, na isang stuffed toy (na hindi pa din bayad), at si Fita, na isang true-blue tuting (maliit na tuta).

Ang problema, parang maliit ang mundo namin para magsabay ang dalawang tutang ito. Well… maliit pala ang bahay namin.

So one of them has to go!

Walang magagawa, prinsipyo lang. Ganyan talaga ang buhey.

Pero sino sa dalawa ang idi-dispatsa ni Taroogs?!

Aber, ikumpara ko nga ang pros and cons ng bawat isa.

  • Si Doggirl, pag pinagti-tripan ni DD, cool lang. (keri lang niyang damitan, meykapan at kodakan)

  • Si Fita, pag pinagti-tripan ni Taroogs, pikon! (ginagantihan ang tsinelas ko ng powtek)

  • Si Doggirl, mahilig tumabi kay DD sa kama.

  • Si Fita, ayaw tumabi kay Taroogs (mas feel niya ang matulog ng solo).

  • Si Doggirl, we see eye to eye on many things.

  • Samantalang si Fita, madalas mandedma.

  • Finally, si Doggirl, maaasahang magbantay kay Bagong Bebe (BB).

  • Samantalang si Fita… ASA PA SIYANG PALALAPITIN KO SIYA kay BB!

Goodbye Fita.

Evicted ka na sa Bahay ni Taroogs.

Nawa’y maging masaya ka sa bago mong Amo.

😦

Wag ka nang magreklamo, Fita… sabit ka talaga e. Lakas mong mag-wiwi’t pupu kung saan-saan. Nagkakalat ka ng garapata. Nagka-allergy pa si DD sa kakayapos sa’yo.

(Pag nasa kat’wiran… ipaglaban!)

Advertisements
Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?

8 thoughts on “Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?

  1. yiN ay nagsasabing:

    Akin na lang si Fita?? Baguhin ko pangalan niya gawin kong Oreo.. Please??

    Taroogs — naku, baka hindi na po siya pakakawalan ni Don Pakundo III (ang milyunaryo niyang amo).

  2. hehehe ang kulit mo manong, e bakit yung tuta ko, ayaw ko ng tignan ng mata sa mata lagi pa ring may eye contact sa kin, gusto mo iyo na lang tuta ko? 🙂

    Taroogs — uy, imported tuta? patingin piktyur! 😀

  3. MARU ay nagsasabing:

    itch unfare! sana dinaan muna sa TEXT VOTES! wawa naman si pita. (sensya na…besaya ako)

    Taroogs — medyo mabilisan kasi yung kontest ng eviction. dumating na yung bagong bida ng pamilya 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s