“Kung Meron sa Lotto, Bakit Wala sa Boto?!”

Yan ang tanong ng ilang mga kababayan natin sa gilid-gilid.

Bakit nga ba walang resibo yung gagawin nating “automated system” na pagboto? Bakit walang acknowledgment receipt, ika nga?

Hindi ba lahat ng klase ng transaksiyon ay meron nito?

  • Kapag nag-withdraw ka sa ATM, hindi ba’t may inilalabas ang makina na resibo ng balanse ng akawnt mo?
  • Kapag nagbayad ka ng inyong upa sa bahay, ‘di ba’t may iniaabot na resibo ang inyong kahera?
  • Kapag nagbayad ka sa counter sa grocery, ‘di ba’t tiyak may resibong kasama ang sukli mo?
  • At kapag tumaya ka sa Lotto, ‘di ba’t may iuuwi kang resibo na nagpapatunay na iyon nga ang tinayaan mong kombinasyon?!

Tama lang ang ganun, di ba?

Dahil gusto nating makatiyak na hindi tayo naloko… hindi tayo naisahan… na kapag nagkaroon ng aberya ay meron tayong hawak na ebidensya.

Pero ito bang pagboto natin sa darating na May 10 ay may ganito ring klase ng mga patunay?

WALA! Nada. Zilch. Wit Acheng!

Ano lang ang meron? Maglalabas ng mensahe ang PCOS sa display screen nito na nakalagay…

“Congratulations! Your Vote has been Registered!”

Aba’y %$@#&… Tama ba yun?!

Eh di parang ganito pala ang gustong mangyari ng COMELEC:

  • Kapag nagbayad ka ng upa sa bahay, ang sasabihin sa’yo ng kahera mo ay, “Wow, kongrats pare! Nagbayad ka ng upa niyo! Ambait mo talaga! Next month uli ha?
  • Kapag nagbayad ka sa groseri, ang hirit ng cashier ay, “Asteeg, tol! Binayaran mo yung mga binili mo! Galing mo! Come again ha?
  • Kapag tumaya ka sa Lotto, ang sasabihin nung tumanggap ng taya mo e, “Naaaks! Tumaya siya ng lotto! Ampowgi mo, brad! NEXT!

Again, itatanong ko sa inyo — TAMA BA YUN?!!!

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Makoy Sr. dati… “Pinaboto na nga kayo, gusto niyo pang bilangin?! Demmit! Ver! Paki-salvage nga ‘tong mga kumag na ‘to!

😦

Advertisements
“Kung Meron sa Lotto, Bakit Wala sa Boto?!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s