Politics: The Necessary Evil

Kung tutuusin, very recently lang ako pumasok sa “full-time” political party work. Nitong 2005 lang.

Before that, nasa isang NGO ako — doing mainly alternative education work, cultural and economic research and skills-development trainings.

OO, “tibak” na din ako nun… actually, ever since nakawala ako sa High School eh na-unleash na yung “inner aktibista” ko (heheh…)

Pero feeling ko para bagang may kulang pa rin.

OO nga’t you’re doing something for the good of the people (well, at least for some of the people — di naman kasi kalakihan yung NGO namin)… pero towards what?

I remember asking myself then:

  • Mababago ba ang sitwasyon ng Pilipinas dahil sa mga trainings namin?
  • Mahihinto ba ang korapsyon dahil sa researches namin?
  • Kung madagdagan ba ang kaalaman ng ilang tao ay matatapos na ang kahirapan?

AHDONKTEENKSO!!!

In short, although commendable at hindi talaga matatawaran ang ginagawa ng mga progressive NGOs, may hangganan pa din ang impact nila — sa lokal lang talaga.

At kapag itinapat mo na ang mga gawaing ito sa malalaking isyu ng bansa, dun mo makikita yung malungkot na realidad na sinasabi ko.

  • Anong panama ng isang maliit na NGO sa isang Kongresong punong-puno ng buwaya?
  • Anong laban ng isang maliit na organisasyon sa isang Presidente na daig pa ang adik na tuko kung kumapit sa puwesto?
  • Anong itatapat ng iilang tao sa buong burukrasya ng Pamahalaan?

Teka… actually, hindi naman sa totally walang panama, walang laban, o walang magagawa… Depende sa NGO yun. Pero talagang onting-onti kung tutuusin.

Sabi nga ng isang henyo diyan sa gilid-gilid, “Tutoy, tandaan mo… there may be some things smaller than you… there may be some things that are your size… but there are definitely many things way bigger than you. Kaya huwag kang masyadong mayabang, taksyapu kah! Hahatawin mo ba ang higante na gamit eh fly-swatter lang?! Eh kung magalit yun at sipsipin ang mata mo?! Aanhin mo pa ang salamin mo n’yan?!

😐

Advertisements
Politics: The Necessary Evil

3 thoughts on “Politics: The Necessary Evil

  1. kuya taroogs, don’t give up sa Pilipinas. Kung tayo mismong mga citizen ay negative, MAS lalong walang mapapala ang Pilipinas. Isipin mo na lang na through small deeds, ay paunti-unti kang nakakatulong sa Pilipinas kong mahal. Gradually man ang pag-usbong, at least alam mong may patutunguhan. Eh ang kaso nawawalan na tayo agad ng pag-asa, dahil sa mga lider sa bansa. Iilan lang ba sila kumpara sating mga mamamayan? haay. kaya natin to!

    Taroogs — korek ka d’yan, kapatid na batopik! may pag-asa pa talaga. alang-alang sa anaks ko… tuloy ang laban! (naaaks! sabay palakpak para sa sarili. hehehe)

  2. yiN ay nagsasabing:

    Oo. Klap-klap sa adhikain mo boss taroogs! Yaan mo na silang mga putik just keep it up!

    Taroogs – naalala ko bigla yung lyrics nung lumang kanta, “… sa tulad kong putik, tama na at sapaaat.” 🙂

  3. may pag asa ang ating bayan, pero dapat mag desisyon tayo. dati wala rin akong simpatiya sa pulitika, pero ngayon nakikita ko na hindi nakakatulong yung walang paki alam e.dapat maki alam talaga.

    Taroogs – sana mas dumami pa lalo ang mga katulad mo, mareng kengks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s