Bitin pa din ako sa mga Holidays natin.

OO. Alam ko na isa ang Pilipinas sa may pinaka-maraming holidays sa buong mundo.

Di rin kaila sa akin na madalas punahin ng mga dayuhan ang pagkakaroon natin ng pagkadami-daming mga araw na walang pasok.

Klaro din na hindi masyadong natutuwa ang mga negosyante, kumpanya at eskwelahan sa ganitong kalakaran.

Sayang daw kasi ang mga araw na ito na pwede sanang ilaan sa produksyon… sa pag-aaral… sa trabaho.

Pero hindi eh.

Kasi, it’s not as if panay sa mga walang-kapararakang bagay lamang natin ginugugol ang mga libreng araw na ito, di ba?

  • Ginagamit natin ito to re-energize our bodies, minds and spirits
  • Ginagamit natin ito to bond with our friends and loved ones
  • Ginagamit natin ito to renew links where they are faltering, or establish new ones where they are absent.

In that case… kung sa ganitong klaseng mga gawain naman natin ginagamit ang mga araw-bakasyon natin, siguro naman mag-aagree kayo when I say na we all could do with even more Bakasyon moments!

Tama?

Tama!

🙂

Advertisements
Bitin pa din ako sa mga Holidays natin.

4 thoughts on “Bitin pa din ako sa mga Holidays natin.

  1. MARU ay nagsasabing:

    Happy ako pag holiday dahil hindi ako obligado bumangon ng maaga para magluto ng almusal at higit sa lahat, pahinga ang pitaka ko sa kabibigay ng baon! 😀

    Taroogs – salamat talaga for the little blessings in life 🙂

  2. tama! bukas hindi ako papasok, mag declare ako ng holiday, ituro kita kay kengkoy pag nagtanong, hahaha

    kasi kapag holiday, mas magastos dahil dapat lakwatsa with the little kengkays!

    P.S. marami ring holidays sa alemanya, lalo na dun sa mga regions na catholic ang dominant! at mas marami ang holidays ng schools dun. kasi may winter break, may summer break, may automn break, my easter break, my christmas break!

    Taroogs – yun ang nakalimutan ko sa atin… dapat pala may “El Nino break” din kasi kawawa ang mga bata sa tag-init 😦

  3. mnel ay nagsasabing:

    Buti nga kayo nakakaranas pa ng holidays. Kami dito sa ospital, kapag duty ka at holiday, papasok ka pa rin. Ang lungkot. At kapag may bagyo, mas lalong dapat nasa ospital ka dahil baka maraming dalhin sa ospital dahil naaksidente or something. Naaalala ko yung araw right after Ondoy. Ang daming dinala nun sa ospital kasi tanging St. Luke’s lang yata yung hindi naapektuhan ng baha sa mga kalapit na ospital. Stressful work we have. 🙂 Thanks for dropping by my blog. 🙂

    Taroogs – medyo mataas nga ang lugar ng St. Lukes. pag yon inabot ng baha, lubog ang quezon circle. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s