Ano na-gets ninyo sa Avatar?

Sasabihin ko na agad…

PANALO siya!

As in PANALO with a capital “LO” ang Avatar! 🙂

Mula sa CGI effects hanggang sa kwento mismo, malupet ang pagkakagawa sa Avatar. Naiyak pa nga ako sa ilang parte nung pelikula (totoo!)

Nanghihinayang nga ako na hindi ko siya unang napanood sa IMAX. Kakaibang experience siguro yun.

Pero may ilan lang akong napansin sa pelikulang ito… ewan kung kayo din.

Bakit sa tuwing nakikita ko yung Na’vi — yung itsura nila, yung interaction nila sa isa’t-isa, yung heirarchy ng kanilang tribo, pati na yung gestures nila — ay bigla kong naaalala ang ang mga American Indians as depicted in old Cowboy vs. Indian Movies?

Merong old Warrior Chief… merong understanding na Lady Shaman… merong rebellious Son na walang katiwa-tiwala sa Koboy na napadpad sa tribu nila… may willful Daughter na na-inlababo sa Koboy… at may Koboy (or in this case, tao na may Avatar na Na’vi) na biglang nabaliktad ang paningin sa Tribong sa una’y kinamumuhian niya.

Tipo bagang yung character ni Kevin Costner sa Dances with Wolves na sa huli’y kinalaban pa yung mga ka-uri/ka-lahi niya at itinuring na ang sarili bilang isang tunay na Red Indian.

Tanong lang naman…

Pero PANALONG-PANALO pa rin talaga para sa akin ang Avatar!

(In fact, konti na nga lang e baka nasabi ko nang KATAPAT niya ang Lord of the Rings… Pero buti na lang hindi.)

Advertisements
Ano na-gets ninyo sa Avatar?

3 thoughts on “Ano na-gets ninyo sa Avatar?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s