Sinabi nang “Let Sleeping (stuffed) Dogs lie” eh!

Medyo malayo kasi ang bahay namin kaya, sa kadalasan, tulog na si Dear Dawter pag-uwi ko galing opisina.

Usually, pag di ko matiis, kukulitin ko siya at haharutin para magising at mapilitang makipag-laro sa akin.

OO. Alam kong masama yun… at lagi din naman akong sinasaway ng kanyang Nanay… pero hindi ko nga matiis na hindi siya kulitin eh.

Kaya siguro medyo pumayat si Dear Dawter.

Tsk.

Pero sandali. Bago kayo tumawag sa Bantay Bata… nagbago na po ang kwento. Hindi ko na naiistorbo si Dear Dawter kapag tulog ito.

Dahil ba sa hindi na ako makulit? — HINDE

Dahil ba sa mas matindi na ang inaabot kong saway kay Misis? — HINDE RIN

So bakit?

Dahil may nakuhang RESBAK si Dear Dawter — si DOGLAS, ang asong hindi pa bayad! (hulugan kasi. hehe)

Malupit magbantay itong si DOGLAS… mukha lang maamo, pero hindi pala.

Hindi natitinag kahit tingnan ng masama

Hindi nasisindak sa mga nanlilisik na mata

Hindi umaatras sa kanyang sinumpaang katungkulan — ang tiyaking walang iistorbo sa pagtulog ng kanyang Amo!

Kaya kapag makulit ang Ama ng Amo

ATTAAACK!

Doglas: Ano, buhay ka pa? Ha?!

Taroogs: Nyaaargh!

Doglas: Mang-iistorbo ka pa bah? Sagot!

Taroogs (to Doglas): Hindi na poh!

Dear Dawter: Zzzzzzngorrk….

Nanay ni Dear Dawter (to Taroogs): Adik!

🙂

Advertisements
Sinabi nang “Let Sleeping (stuffed) Dogs lie” eh!

9 thoughts on “Sinabi nang “Let Sleeping (stuffed) Dogs lie” eh!

  1. K ay nagsasabing:

    anu ba yun. napabakunahan ba yan? baka narabies ka. niahaha!

    salamat nga pala sa pagdalaw mo sa blog ko 🙂

    Taroogs – stuffed injection yung ginamit! hehehe

  2. Jasmine Ferrer ay nagsasabing:

    Dear Taroogs,

    My name is Jasmine Ferrer, a research assistant for the study, “Filipino blogging and political participation,” an independent research funded by the International Development Research Centre (IDRC) Canada through its Strengthening ICT Research Capacity in Asia (SIRCA) grant program. A component of this study aims to: (1) look into the motivation of Filipinos for reading political blogs; (2) determine if and how Filipino political blog readers participate in politics, offline or online; and (3) examine whether reading political blogs have affected the nature and level of their political participation.

    We’d like to request your participation as one of the survey respondents for this study. If you’re interested to participate, please provide us your email address so we can send you the survey form in Word file. Feel free to send questions/clarifications to the principal researcher, Ms. Mary Grace P. Mirandilla at mg.mirandilla@gmail.com or at mpmirandilla1@up.edu.ph. To learn more about her work, visit http://www.linkedin.com/in/gracemirandilla. Info about the SIRCA grant program can be found at http://www.sirca.org.sg/.

    We look forward to hearing from you soon.

    Thank you very much.

    Regards,
    Jasmine Ferrer

    Taroogs — asteeg! why not? heheh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s