It’s the little doses of discrimination that’ll do ya!

In any type of society, discrimination is a given. Let me lay that sad fact out first before going any further.

No matter how altruistic a society has grown to become, chances are there are still hold-outs of bigotry within it — little islands of discrimination, so to speak. Eh kahit nga sa mga Scandinavian countries, na universally considered today to be the epitome of fairness and justice, meron pa ring mga Nazis… sa atin pa kaya?

But just as there are 7,001 islands in the Philippines (kapag high tide daw), there are also as many forms of discrimination present.

Merong discrimination na talagang obvious na obvious (na kung isla ang basehan ay ito na yung major islands of Luzon at Mindanao) — gaya halimbawa ng diskriminasyon laban sa mga bading at lesbyana… diskriminasyon laban sa mga kababaihan… diskriminasyon laban sa mga may kapansanan

Pero gaya uli ng mga isla natin, meron ding mga diskriminasyon na hindi masyadong halata… na medyo nasa sidelines lang. Innocuous, kumbaga.

  • Tulad halimbawa ng diskriminasyon laban sa mga matatanda
  • sa mga hindi masyadong kagandahan
  • sa mga maliliit
  • sa mga matataba
  • sa mga payatot
  • sa mga hindi grumadweyt (o kung grumadweyt man ay sa hindi gaanong kilalang eskwelahan).

These are the types of discrimination that are the more dangerous. Kasi nga hindi masyadong hayagan ang pag-didiskrimina and, in fact, tinitingnan na bilang “normal” and “socially acceptable” na gawin.

If you’re one of these, live with it! Tila ito yung sinasabi implicitly ng ganitong klaseng attitude.

Buti pa yung mga matitinding diskriminasyon, may mga grupong itinayo para sagutin.

  • May grupo na kumokontra sa discrimination against LGBTs
  • May grupo na kumokontra sa discrimination against Women
  • Meron pa ngang grupo na kumukontra sa diskriminasyon laban sa mga Askal!

Buti pa sila.

Kaya gusto ko na talagang magtayo ng isang bagong grupo… para naman may magtataguyod sa karapatan ng mga katulad kong… eherm… horizontally-endowed.

Mabuhay ang KILUSAN KONTRA FREE SIZE!

Huwag ninyo kaming ikahon sa ganitong size!

Gusto rin naming magkaroon ng T-shirt katulad n’yo.

Pero ayaw naming magmukhang longganisa.

Mahirap bang intindihin yun? 😦

Advertisements
It’s the little doses of discrimination that’ll do ya!

2 thoughts on “It’s the little doses of discrimination that’ll do ya!

  1. nyahahahaha! natawa ako dun! kilusan kontra free size! ftw! nyahahahahahaha!

    Taroogs – sayang nga at hindi naihabol sa application for Party-List. nationwide pa naman constituency nun 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s