Kung ako’y magiging WARLORD…

Gusto ko maging isang BENEVOLENT WARLORD!

Balita ko kasi, masarap daw maging isang warlord… maraming “perks,” ika nga. Pero mahirap namang maging katulad nung ilang warlords dito sa atin… medyo evil na kasi sila.

Kaya dapat “benevolent” warlord na lang. 🙂

Benevolent how? Simple lang… meron lang ilang minimum (but non-negotiable) standards na dapat tupdin — gaya halimbawa ng mga sumusunod:

  • Kung magtatayo ng (mga) mala-palasyong Mansyon… tiyakin na disente ang tirahan ng mga constituents na nakapaligid sa nasabing mansyon. This may require granting easy-to-pay housing loans to refurbish the nearby barong-barongs of minions.
  • Kung magma-mantina ng isang Private Army, huwag kumuha mula sa hanay ng kapulisan o militar sapagkat hindi sila dapat maging partisan. Tiyakin din na hindi tatanggap ng mga aplikanteng adikutak-pulburawalang respeto sa karapatang pantao (kahit ng sa mga karibal sa pulitika)… asal hayop, or all of the above.
  • Kung gustong manatili sa Kapangyarihan, gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos, patas at tapat na serbisyo sa mga kinasasakupan upang muli’t-muli’y iniluluklok ka nila sa poder. Huwag takutin ang mga karibal o ubusin ang kanilang lahi (women, children and farm animals included).
  • Sabi nga ng nakasulat sa pader ng CR sa Kyusi City Hall, “Please use Local Government Property Properly! Halimbawa, ang ambulansiya ay hindi para pang-smuggle ng armas o kontrabando… ang ospital ay para sa lahat, hindi lang sa iisang angkan… ang Backhoe ay sa mga construction projects lang dapat ginagamit.
  • Kung nais mag-alaga ng mga exotic pets, piliin yung mga hayop na pakikinabangan ng iyong constituents — gaya halimbawa ng Ostrich na paparamihin, o di kaya’y Usa. Huwag mag-alaga ng Leon o Tigre kasi ikaw lang ang natutuwa.
  • Kung mahilig mangolekta ng mga mamahaling sasakyan, kumulekta na lang ng mga trak ng bumbero, emergency response vehicles o heavy-duty rescue boats. Tantanan na yung pagbili ng sports cars at big bikes.

🙂

Advertisements
Kung ako’y magiging WARLORD…

One thought on “Kung ako’y magiging WARLORD…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s