Eh di bigyan ng Pink na Bola…

OO. Inaamin ko.

Hindi talaga ako creative pagdating sa pagpili ng regalo para sa ibang tao.

Ang tanging operative framework ko lang kasi pagdating sa ganitong klaseng mga desisyon ay Utility and Durabilitymagagamit ba? Tatagal ba?

Secondary na lang sa isipan ko (kung naiisip ko pa nga) yung ibang factors — tulad ng cuteness ng regalo… ng pagka-romantic nito…

Kaya siguro never pa akong nagbigay ng bouquet of flowers sa kahit kanino (pwera shempre sa mga yumao na). Ibang regalo na lang… yung hindi nalalanta… yung pwede talagang gamitin nung pinagbigyan.

Halimbawa ng mga regalong may utility at durability na naibigay ko na dati?

  • Maglite
  • Tool Kit
  • Digicam
  • Swiss Knife
  • PC
  • PDA
  • Relos
  • Mountainbike

Consistent naman, di ba? Talagang magagamit ang mga ito… tumatagal… at hindi naman mumurahin.

At pinaka-mahalaga sa lahat, pinag-isipan ko ng maigi bago bilhin at iregalo ang mga ‘to.

Di ko maiwasang isipin ang “Regalo” kasi magpa-Pasko na naman… at ang mga inaanak at kaibigan ay nagpaparamdam uli. hehehe…

Pero, like I said, hindi ako creative pagdating sa mga gantong bagay. Kaya na-iimagine ko na tuloy yung magiging diskusyon sa aming pamilya pagdating ng “regalo planning session“:

Nanay ni Dear Dawter (NNDD): Oist! Kelangang bumili ng regalo sa mga inaanak mo. Dami mo nang utang!

Dear Dawter (DD): Yeheey! Ano gift ko, Mami?!

Taroogs: Inaanak… hindi Anak. Wakamakuletdyan.

DD: Hmp! X ka Daddy! (sabay muestra ng malaking “X” sa ere. Ewan ko ba kung san nya natutunan yun…)

NNDD: Anu nah? Anong regalo?

Taroogs: Bola!

NNDD: Bola?! Paano sa inaanak na baby pa lang?

Taroogs: Foam na Bola!

NNDD: Eh dun sa mga inaanak na nagbibinata na?!

Taroogs: Tunay na Bola!

NNDD: Eh sa mga babae, Aber?

Taroogs: Eh di Pink na Bolah! Kulet.

DD: Ako babae, di ba Mami? Penge din ng Pink Bolah!!

🙂

Advertisements
Eh di bigyan ng Pink na Bola…

2 thoughts on “Eh di bigyan ng Pink na Bola…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s