Mga kasabihang dapat sumikat din.

Hindi ko sure kung paano na-eestablish sa consciousness ng tao ang isang kasabihan.

Dahil ba sa ito’y itinuturo sa paaralan?

Dahil ba sa lagi nating naririnig na ginagamit siya ng ibang tao?

Dahil ba sa may nakakatuwang timbre siya kapag binibigkas?

Dahil ba sa may taglay silang irrefutable truth?

Or is it due to a mix of these reasons?

Ewan.

Basta ang alam ko, hindi ganun kadaling magpa-uso ng bagong kasabihan (unless sa TV mo idaan — gaya halimbawa ng “Bawal Magkasakit”)

Pero sayang naman kasi kung hindi mami-mainstream ang ilang mga kasabihan na bagamat medyo kakatawanan kung ituring ng marami sa atin ay, sa totoo lang, may taglay pa ding katuwiran.

Mga kasabihang tulad ng sumusunod, halimbawa:

  • “Bakit ipapasa-bukas pa ang pwede namang Next Week?” — maigi nga yung maagap, pero may ilang mga desisyon na nangangailangan ng mahaba-habang pagmumuni-muni, di ba?
  • “Kung ano’ng puno, siyang bunga. Pero minsan, nasa puno pa lang ang bunga’y bulok na agad.” — hindi naman talaga pwedeng sabihin na kapag matino ang mga magulang mo, o di kaya’y kapag nakapag-aral ka, antimano’y magiging matino kang tao. Naive yun, di ba? Pero, to be fair, pwede rin naman yung kabaliktaran: pwede ding magmula ang isang matinong bunga sa walang-kwentang puno.

Kayo, anong mga “kasabihan” nang na-encounter ninyo ang dapat sumikat na din? 🙂

Advertisements
Mga kasabihang dapat sumikat din.

One thought on “Mga kasabihang dapat sumikat din.

  1. Tama talaga eh! apir! dapat maging sikat ka muna bago maging kasabihan ang pinagsasabi mo eh.. tipong ganun eh…

    oh yeah! makilala mo kaya ako? hakhak!

    Taroogs – kunsabagay… kaya siguro hindi sumikat-sikat ang ibang kakilala ko. sayang… puro pa naman kasabihan mga sinasabi nila 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s