Oplan SIMPLIFY

Totoo nga ang kasabihang “habang umiinog ang buhay ay pakumplikado ito ng pakumlikado.” Kaya naman palagi nating binabalik-balikan ang ating nakaraan — our simpler, more carefree youth… Noong mas simple pa ang buhay, ika nga.

Pero hindi naman imposibleng manumbalik ang simpleng buhay, di ba? Or at least a semblance of it. We just have to do away with some “complicating” aspects of our life.

In short, may mga paraan para gawing mas-simple ang ating buhay ngayon. Kung hindi man maging kasing-simple nung buhay natin nung mga bata pa tayo ay mabawasan man lang ng kahit ilang baitang ang kumplikasyong nadarama natin sa kasalukuyan.

Which brings me to the question — anu nga ba ang mga bagay-bagay na nagpapa-kumplika ng buhay? (uy, rhyme yun a! hehe…)

To each his/her own na pagdating dito. One person’s “complicating factor” may not be for another.

Mahirap nang mag-generalize sa mga ganitong bagay.

Pero kung ako ang tatanugin… IMHO… heto ang ilang complicating factors ng buhay ko (na balak kong resolbahin sa lalung madaling panahon).

Para sa aking personal OPLAN SIMPLIFY, balak kong:

  • Bawasan ang collection ko ng libro. Yung mga mahahalaga lang sa akin ang iiiwan ko. The rest, ipamigay!
  • I-dispatsa na ang mga lumang magasin. Kalat lang sa bahay e. Ginagawa pang higaan ng mga pusakal.
  • I-retire na ang mga lumang electronic gadgets kung may kapalit na. The same goes for spare parts. Magastos na sa kuryente, masakit pa sa ulo.
  • Bawasan ang mga sapatos, sandals at tsinelas. Kung hindi na talaga ginagamit, i-donate na lang sa relief.
  • Ganun din sa mga damit. Kung di na talaga magkasya ang t-shirt, pantalon o jacket (huhuhu…), tanggapin na ang masaklap na katotothan. I-donate! O kung luma na talaga ay gawing basahan.
  • Bawasan ang mga bag na ginagamit. Ok na yung dalawa — isang pang-pasok at isang pang-harabas. Better kung yung pang-pasok at pang-harabas ay one and the same.

Ngayon… kung pwede ko lang kumbinsihin ang Dear Dawter ko na magbawas din ng kanyang mga laruan ay sisimple nga talaga ang buhay naming mga magulang niya!

🙂

Advertisements
Oplan SIMPLIFY

8 thoughts on “Oplan SIMPLIFY

  1. Deo ay nagsasabing:

    hahaha… sir, marami naman tig10php na laruan eh.. pwede na siguro yun for your dear dawter…

    Taroogs – kaso yun yung madalas naiipon sa bahay 🙂

  2. Jake ay nagsasabing:

    Sa panahon ngayon at sa mga nangyayari sa ating kapaligiran eh dapat na ngang magsimplify

    Taroogs
    – sana magkaroon ng national simplification movement ano? hehe…

  3. hbh ay nagsasabing:

    Tamang-tama yung mga laruan ni Dear Dawter mo, bok — may two months pa bago magpasko. 🙂

    Taroogs – yun pa naman ang panahon na dumu-doble ang imbak na laruan ng mga bata 🙂

  4. ito ang pinaka magandang magagawa natin “Ganun din sa mga damit. Kung di na talaga magkasya ang t-shirt, pantalon o jacket (huhuhu…), tanggapin na ang masaklap na katotothan. I-donate! O kung luma na talaga ay gawing basahan.” kasi dba? di na nga kasya.. pinagdadamot pa din.. Hai.. kung magdodonate din naman tayo xmpre dapat yung di naman sira sira

    Taroogs – true… so true. So… eherm… tinanggap mo na din ba ang masaklap na katotohanan, kapatid? 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s