The Logic of Relief Work…

Napa-isip lang ako…

Dumadalas na naman kasi yung mga banat laban sa gubyerno na kesyo ambagal-bagal nitong tugunan ang mga kagyat na pangangailangan ng mga biktima ni Ondoy, at lately, ni Pepeng.

Shempre, hindi lang ito ngayon nangyari.

In fact, sa halos lahat na yata ng trahedyang dumalaw sa Pinas — lindol, landslide, baha, tag-tuyot, tag-gutom — ay hindi nawawala yung ganitong klaseng puna.

At may katwiran naman talaga

Kasi sino nga ba ang palaging nauunang mag-bigay tulong sa mga nasasalanta? Di ba’t sa kadalasan ay mga pribadong organisasyon — simbahan, eskwelahan, corporate foundations at people’s organizations — at mga indibidwal?

  • Sila ang palaging unang nagvo-volunteer
  • Sila ang unang nananawagan ng bayanihan
  • Sila ang unang nakaka-isip ng mga mas epektibong paraan ng pagbigay ng relief…

Pero may hangganan.

Sooner or later… slowly but surely… hahabol at hahabol din yung relief efforts ng gubyerno, with its immense resources in tow. At dumarating talaga yung panahon na may mga nagagawa na ang gubyerno na hindi talaga kayang gawin ng simbahan… ng eskwelahan… ng corporate foundation… laluna ng isang maliit na people’s organization.

To the extent na ubos na yung resources ng ibang grupo ay go na go pa din ang gubyerno.

Walang duda… natira ang matibay (at malaki at at mayaman)

Ang nakakapagtaka lang… bakit palaging ganito ang nangyayari?

Hindi kaya ito talaga ang logical order — i.e., sisimulan ng civil society yung relief, rescue and rehab efforts pero gubyerno ang tatapos?

At kung ganun nga talaga… dapat wala palang sisihan, kasi, in fact, everyone is just doing their part pala.

🙂

(NOTE: shempre, ibang usapin na yung issue ng inefficiency, kurakot at pamumulitika during times of disaster. Yun ang dapat talagang binabatikos ng todo-todo!)

Advertisements
The Logic of Relief Work…

One thought on “The Logic of Relief Work…

  1. sana nga ganoon lang ang pattern nun, at hindi dahil talagang late sila rumuspunde lalo na sa pagtulong…

    Taroogs – sana nga din… di ko maalis yung tagong optimism ko. hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s