Maswerteng bata. Samantalang ako dati…

Mahirap mag-generalize pagdating sa kung sino nga ba talaga ang mas ma-swerte nung pagkabata nila — yung mga bata noon o ang mga bata ngayon?

OO nga at lamang na lamang ang mga bata noon sa maraming aspeto ng pagkabata — mas maraming puno ang naakyat nila… mas maraming malinis na ilog ang naliguan nila… mas madalas silang pinayagang maglaro sa labas ng bahay kahit gabi na kasi mas safe noon… mas pinayagan silang rumonda kasama ang barkada at mangaroling ‘pag pasko… mas marami silang instant noodles na HINDI nakain (hehehe)…

Lamang sila (o tayo, depende kung anong edad mo na) sa maraming bagay… PERO, lamang din sa ilang bagay ang mga bata ngayon.

And nowhere is this more true than when speaking of matters pertaining to TECHNOLOGY.

Hataw sa pagka tech-savvy ang mga bagets today. Minsan nga napapa-iling na lang ako…

Case in point? Heto si Dear Dawter… bumabanat ng MSpaint sa laptop ng Tita niya… at sini-save pa isang folder yung kanyang mga i-drinowing! Panalo!

Picture 009 Picture 010

Samantalang ako, Hayskul na nang unang maka-hipo ng keyboard — TATLO pa kaming hati-hati sa isang unit! 🙂

Advertisements
Maswerteng bata. Samantalang ako dati…

One thought on “Maswerteng bata. Samantalang ako dati…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s