Low-life moments…

Siguro dahil na rin sa puyat at sobrang kape… at sa sobrang pag-focus sa deadlines sa opisina… medyo bumaba yata yung (dati nang mababang) standards ko — sa pagkain, sa damit, sa inumin, sa higaan.

Dumadalas yata ang “low-life” moments ko. Tsk!

Halimbawa:

  • Nung isang araw, may tinikman akong tirang ulam sa kusina ng opisina. Akala ko ginataang talong na may bagoong… Mali pala ako. Talong nga siya… pero walang gata, walang bagoong. Naging ganun na lang itsura at lasa niya kasi ilang araw na palang naka-tambay sa plato. Dinura ko… pero matagal muna. Naghanap pa kasi ako ng kanin. Slow.
  • Nag-overnight ako sa ofis para habulin ang ilang deadlines. Kaso, sa kamamadaling mag-empake, isang pares lang ng medyas at brips ang nadala ko (yung suot ko na)… nalaman ko tuloy na meron palang “Side C” ang mga ito. Malutong!
  • Mahina na yung 6 na cups ng brewed coffee ang nato-toma ko sa isang araw. At minsan, wala nang banlaw-banlaw pa — refill agad kapag paubos na… kaya pag panlimang tasa na e halos 1-inch na yung latak sa ilalim… Dedma. Iniisip ko na lang na “tsokolate ah” ang iniinom ko.

Hirap buhay.

Buti na lang hindi na ako nagyo-yosi… baka kasi bigla na lang akong mamulot ng upos na may sindi pa 🙂

Advertisements
Low-life moments…

One thought on “Low-life moments…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s